Christine Dacera nailibing na | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Christine Dacera nailibing na

Christine Dacera nailibing na

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 10, 2021 05:57 PM PHT

Clipboard

Nailibing na nitong Enero 10, 2021 sa General Santos City si Christine Dacera, na natagpuang walang malay sa loob ng isang hotel sa Makati City noong Bagong Taon. Wheng Hidalgo, ABS-CBN News

Nailibing na nitong umaga ng Linggo sa General Santos City ang labi ni Christine Dacera, na natagpuang walang malay sa loob ng isang hotel sa Makati City noong New Year's Day.

Nakasubsob at umiiyak sa ibabaw ng ataol ang ama ni Christine bago inilagak sa hukay ang 23 anyos na flight attendant.

Nagdadalamhati ang ina ni Christine na si Sharon dahil ang mga pangarap ni Christine para sa pamilya ay kasama nitong naglaho.

"Alam niyo bakit siya naging flight attendant? Her dream for us is gusto niya lang ma-tour nang libre sa buong mundo," kuwento ni Mrs. Dacera.

ADVERTISEMENT

Dagdag pa sa pamilya at mga nagmahal sa dalaga ang palaisipan kung paano ito namatay.

Sinalubong ni Christine ang Bagong Taon kasama ang mga kaibigan sa isang hotel pero natagpuan itong walang malay sa banyo.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Isinugod siya sa ospital pero idineklara ring dead on arrival.

"Ang amin lang gawin ang lahat ng makakaya bigyan ng justice at walang madadamay na inosente," anang tiyahin na si Rhona Rosario.

"Naiiintidihan ko din 'yon sa side ng kabila, may ipinaglalaban din sila pero siyempre ang tanong lang namin, bakit namatay?" dagdag ni Rosario.

Inaasahan namang lalabas sa loob ng isang linggo ang resulta ng ikalawang autopsy sa labi ni Dacera.

Sa paunang ulat ng pulis, "ruptured aortic aneurysm" ang tinukoy nitong sanhi ng pagkamatay ni Dacera noong Enero 1. Pero kalaunan ay sinabi nitong posibleng rape-slay ang nangyari.

Mabilis ring inanunsyo ng PNP na "solved" na ang kaso ng pagkamatay ni Christine.

Pero noong nakaraang Miyerkoles, inutusan ng Makati Prosecutors Office na palayain ang 3 suspek sa umano'y rape-slay ni Christine dahil di sapat ang ebidensyang isinumite ng pulisya.

Ayon sa Makati Prosecutor "the pieces of evidence so far submitted are insufficient to establish that she was sexually assaulted or raped."

-- Ulat ni Wheng Hidalgo, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.