ROAD RAGE: Nasingitang gov't employee nanuntok ng taxi driver sa Taguig | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ROAD RAGE: Nasingitang gov't employee nanuntok ng taxi driver sa Taguig

Job Manahan,
ABS-CBN News
Published Jan 06, 2024 10:01 AM PHT

MAYNILA — Namaga at kinailangang ipa-check-up ang kaliwang mata ng isang taxi driver mula sa suntok ng isang motoristang government employee sa kaso ng road rage sa Taguig City nitong Biyernes.

Base sa paunang imbestigasyon ng Taguig police, binabaybay ng taxi driver na si Celso Delos Santos ang kahabaan ng McKinley Road sa Taguig at papunta sa isang shopping mall pasado alas-5 ng hapon nang masingitan at ma-cut niya ang lane ng lalaking suspect.

Minamaneho ng nakilalang government employee ang isang Toyota Fortuner. Ayon sa police report, biglaan siyang napapreno — dahilan para muntikan nang mauntog ang kanyang asawang babae sa dashboard.

Dito umano nag-init ang dugo ng suspek at sinundan ang taxi driver mula McKinley Road hanggang makarating sa mall.
Dito umano nag-init ang dugo ng suspek at sinundan ang taxi driver mula McKinley Road hanggang makarating sa mall.
ADVERTISEMENT
Nang maibaba ng taxi driver ang kanyang pasahero, bumaba ang driver ng Fortuner para habulin siya at komprontahin. Dito na nagkainitan ang dalawa.

“Umilag ako para lumabas. Pagdating naman ng isang Fortuner, akala niya kinut ko siya, sinalbahe ko siya. Hindi siya bumaba agad. Naka-stop kami. Pag-stop namin, hindi pa siya bumababa. Ang ginagawa niya pala, sinundan niya ako,” ani Delos Santos.

“Binaba ko yung pasahero. Mamaya nakita ko na lang na dumikit na sa akin yung Fortuner… tapos kinumpronta niya 'ko: ‘P*** i** mo ang tanda-tanda mo na pero ‘di ka pa rin marunong mag-maneho'’” dagdag ng sugatang driver.

Kita naman sa CCTV na dumating ang security guards ng mall para awatin ang mga driver, pero nang pababa na ang taxi driver mula sa kanyang sasakyan, sinuntok siya at tinadyakan ng government employee.

Sa CCTV, nakitang lumabas ang taxi driver sa kanang bahagi ng sasakyan at nagbanlaw ng tubig sa kanyang mukha habang inilayo ng mga security guard ang suspek.

Sabi ni Delos Santos, minura pa siya ng suspek. Nagpaliwanag aniya siya sa suspek tungkol sa nangyari pero binuhusan daw siya ng juice sa mukha. Binuhusan din daw siya ng tubig ng asawa nito.

“Galit na galit na siya. Ang ginawa niya, binuhusan niya ko ng juice sa mukha na malaki. Sa sobrang sama ng loob ko mayroon akong… binuhusan ko rin sila. Lumayo na sana ako noon. Paglayo ko, umaabante na ako, hinarang ako ng lalaki sa mga security guard,” sabi ng taxi driver.

“Akala ko mag-uusap kami sa mga problema na ‘yun… itong asawang babae, akala ko tapos na, binuhusan ako ng mineral water na malaki sa mukha. Ito namang lalaki, akala niya papatulan ko asawa niya, inupakan agad ako sa mukha,” dagdag niya.

Sabi ng biktima, pinipilit siya ng suspek na makipag-areglo, pero plano pa rin niyang magsampa ng kaso.

Nagpasalamat siya sa mall security guards at sa pulisya sa mabilis na pagresponde at pag-alalay sa kanya.

“Naghahanapbuhay kami. Ang iniisip nila, mayaman sila. May pera sila, hindi naman ganoon kalaki — unang-una dapat isipin nila wala naman kaming intensyon na salbahein sila,” sabi ng taxi driver.

Tumangging magbigay ng pahayag sa media ang suspek, na nahaharap sa reklamong may kaugnayan sa physical injuries.