29 bagong kaso ng omicron variant, na-detect sa Pilipinas | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

29 bagong kaso ng omicron variant, na-detect sa Pilipinas

29 bagong kaso ng omicron variant, na-detect sa Pilipinas

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 06, 2022 08:21 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA — Nadagdagan nang 29 ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 omicron variant sa Pilipinas, sabi ngayong Huwebes ng Department of Health (DOH).

Dahil dito, umabot na sa 43 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong may omicron, ang mas nakahahawang variant ng COVID-19 na unang na-detect sa South Africa.

Ayon sa DOH, 10 sa mga dagdag na kaso ay returning Filipinos o galing sa ibang bansa habang 19 ang local cases na mga taga-Metro Manila.

Lumalabas din sa pinakahuling genome sequencing ng Philippine Genome Center na mas maraming sample ang nakitaan ng omicron kaysa delta variant.

ADVERTISEMENT

Sa 48 samples, 29 ang omicron habang 18 ang delta.

Ayon sa DOH, inaalam na nila ang resulta ng mga COVID-19 test ng mga nakasabay sa flight ng mga tinamaan ng omicron.

Ngayong Huwebes, nakapagtala rin ang DOH ng 17,220 dagdag na kaso ng COVID-19. Mas mataas ito sa higit 10,700 bagong kasong naitala noong Miyerkoles, na halos doble ng bilang ng mga kaso noong sinundang araw.

Naitala rin ng Pilipinas ngayong Huwebes ang pinakamataas nitong positivity rate na 36.9 porsiyento.

Nasa 5 porsiyento ang positivity rate benchmark ng World Health Organization para masabing kontrolado ang COVID-19 situation sa isang lugar.

Sa kabuuan, umabot na sa 2,888,917 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, kung saan 56,561 ang active o may sakit pa rin.

Karamihan din sa mga naitalang bagong kaso ay galing sa National Capital Region, na inilagay na ng pamahalaan sa Alert Level 3 para makontrol ang hawahan.

Dahil sa pagsipa ng mga kaso, ilang probinsiya na ang nagbalik ng negative RT-PCR test result bilang requirement na makapasok sa kanilang lugar, gaya ng Boracay Island at Iloilo.

Kailangan na rin ng negative RT-PCR o antigen test result para makapasok ng Naga City.

Sa Ilocos region naman, ang negative test result ay dagdag na requirement lang para sa mga hindi pa fully vaccinated.

— May ulat ni Raphael Bosano, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.