Negatibong RT-PCR test result, rekisito na ulit para sa mga turistang pa-Boracay | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Negatibong RT-PCR test result, rekisito na ulit para sa mga turistang pa-Boracay

ABS-CBN News
Published Jan 06, 2022 12:47 PM PHT

Oobligahin na ulit magpresenta ng negatibong resulta ng RT-PCR test ang mga turistang magbabakasyon sa Boracay.

Ayon sa utos na inilabas nitong Miyerkoles ni Aklan Governor Florencio Miraflores, kailangan na ulit magpakita ng negative RT-PCR test result na kinuha 72 oras bago pumasok sa isla ang turista.

Epektibo ang patakaran simula Linggo, Enero 9.

Muli ring magpapatupad ng curfew sa Boracay simula alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw.

ADVERTISEMENT
Ipinatupad ang muling paghihigpit sa sikat na tourist destination matapos tumaas ulit ang mga kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, na pinaniniwalaang dahil sa mas nakahahawang omicron variant.

Nobyembre nang alisin ang RT-PCR test bilang requirement para sa mga fully vaccinated na turistang papasok ng Boracay.

— Ulat ni Rolen Escaniel
RELATED VIDEO
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT