Night vaccination ng booster shot sinimulan na sa Maynila | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Night vaccination ng booster shot sinimulan na sa Maynila

Jeffrey Hernaez,
ABS-CBN News
Published Jan 06, 2022 01:14 AM PHT
|
Updated Jan 06, 2022 06:47 AM PHT

MAYNILA—Sinimulan na ng lokal na pamahalaan sa lungsod na ito nitong Miyerkoles ang unang night vaccination ng booster shot.

Isinagawa ito sa Recto Avenue corner Juan Luna Street para sa mga nagtatrabaho sa Divisoria kabilang ang mga fully vaccinated na mga kargador, pahinante, mga nagbebenta sa palengke, at mga vendor.

Manila Mayor Isko Moreno, dumating na sa isinasagawang booster shot vaccination sa Divisoria. Layon nitong mabigyan ng booster ang mga maggugulay, kargador, pahinante, at iba pang nagtatrabaho sa Divisoria. pic.twitter.com/VJF9HKMYPy
— jeffrey hernaez 🇵🇭 (@jeffreyhernaez) January 5, 2022

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, ito ay upang agad na mabigyan ng booster shot ang mga trabahador pagkatapos o bago sila magsimula ng trabaho.

"Mayroon pa tayong resources, mayroon pa tayong bakuna. We are trying to extend to protect as many as possible, specially sa sektor na nagbibigay sa atin ng kasiguraduhan na may machichicha tayo," ayon sa alkalde.

"This will serve almost 500 individuals dito sa Recto alone. Puwede matapos ngayon iyon or puwede ulitin bukas o sa ibang araw hangga't mayroon gustong magpa-booster para hindi sila makakalat ng impeksyon."

Tiniyak din ng alkalde na sapat ang suplay para sa booster shot dahil karamihan sa mga residente ng Maynila ay nakatanggap na ng una at pangalawang dose ng bakuna.

Magsasagawa rin ng booster shot vaccination sa Huwebes, January 6, sa Kartila ng Katipunan sa Lawton para naman sa mga delivery rider.

Tiniyak naman ni Manila Vice-Mayor Honey Lacuna na sapat pa rin ang pasilidad sa mga ospital sa lungsod para sa mga magpopositibo sa COVID-19.

"Mabilis naman ang turnover ng mga pasyente natin kasi puro mild nga po sila, naa-accomodate pa rin naman po natin yung mga pasyente natin, in fact sa COVID-19 hospital po, may mga bakanteng beds na naman kasi nakapagpauwi na po tayo ng mga pasyente," ani Lacuna.

Tiniyak din ni Moreno na sapat ang suplay ng gamot sa lungsod tulad ng Molnupiravir, Remdesivir, Baricitinib, at Tocilizumab para sa mga mangangailangan.

Hinimok din muli ng alkalde ang lahat na magpabakuna.