‘Wala kaming kasalanan’: 3 suspek sa pagkamatay ng flight attendant pinalaya muna | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
‘Wala kaming kasalanan’: 3 suspek sa pagkamatay ng flight attendant pinalaya muna

Joyce Balancio,
ABS-CBN News
Published Jan 06, 2021 09:27 PM PHT

MAYNILA — Humarap sa media Miyerkoles ng gabi sina Rommel Galido, John Pascual Dela Serna at John Paul Halili, ang 3 sa 11 itinuturing ng pulis na suspek sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.

Pasado alas-7 ng gabi pinakawalan ang 3 ng Makati City Police matapos maglabas ng resolusyon ang Makati City Prosecutor's Office na nagsasabing kailangan pang magsagawa ng regular na preliminary investigation sa kaso para matukoy kung talaga nga bang ni-rape at pinatay ang biktima.

At kung nangyari nga ito, kailangan ding alamin ang pagkakakilanlan ng mga taong responsable dito.

Ayon sa paunang ulat ng Makati police, natagpuang patay si Dacera noong Enero 1 sa loob ng isang hotel dahil umano sa "ruptured aortic aneurysm." Pero, sinabi nito kalaunan na posibleng rape-slay ang nangyari.

ADVERTISEMENT
Sa pagharap sa media, napaiyak si Halili nang ikuwento ang dinanas na hirap dahil sa sitwasyon.

“Hirap na hirap na kasi ang pamilya ko, buong pamilya ko. Wala naman kaming kasalanan,” sabi niya.

Nanawagan din siya na huwag din sila husgahan agad ng publiko.

“Sana, alamin muna nila kung ano talaga. Ako, pumunta ako dito para magbigay ng salaysay. Tapos, bigla na lang nila kami kinuha. Nakikipagtulungan lang kami sa kanila. Binigay lang namin kung ano iyong alam namin,” dagdag pa niya.

Si Galido naman, may panawagan sa pamilya ni Dacera na aniya’y itinuring niyang malapit na kaibigan.

“Para sa pamilya ni Christine, nararamdaman ko rin ang sakit na nararamdaman nila. Si Christine, parang naging kapatid ko na rin po siya. Mahal na mahal ko po si Christine,” sabi ni Galido.

Umaasa si Dela Serna na maliwanagan ang pamilya ng biktima.

“Christine, kung nasaan ka man ngayon, i-clear mo ang mind ng mom mo, na wala kami kasalanan dito. Alam mo kung gaano ka namin kamahal. At ang tanging hiling namin ay parati mo bantayan ang pamilya mo at mga kabigan mo. Alam mo kung gaano ka namin kamahal, kasi part ka na ng buhay namin. At ngayon, mahirap tanggapin na wala ka na,” sabi ni Dela Serna.

Tumangging sumagot ang 3 kung ano ang nangyari sa panahong kasama nila sa party si Dacera noong New Year's eve sa isang hotel sa Makati.

Sabi ng kanilang abugado, ang naturang mga detalye ay bahagi na ng preliminary investigation.

Sa sang hiwalay na panayam, sinabi ng isa pang itinuturing na suspek na si Gregorio de Guzman na wala silang dahilan para saktan at abusuhin ang kanilang kaibigang si Dacera.

"Kasi lahat po sila mga bakla na nakikisali sa kaniya. For me po kasi, parang ang impression kasi niya, mahilig siya makipag-hang out sa kagaya namin [LGBT]. Komportable po siya sa amin. Kasi the entire time po, komportableng-komportable siya sa isa't isa sa amin," sabi ni de Guzman.

Read More:
Rommel Galido
John Pascual Dela Serna
John Paul Halili
Christina Dacera
Dacera
Tagalog news
patrolph
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT