Skyway Stage 3 pansamantalang isasara simula gabi ng Enero 6 | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Skyway Stage 3 pansamantalang isasara simula gabi ng Enero 6

Skyway Stage 3 pansamantalang isasara simula gabi ng Enero 6

Bianca Dava,

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 06, 2021 07:27 PM PHT

Clipboard

Skyway 3. Handout, San Miguel Corp.

MAYNILA (UPDATE) — Pansamantalang isasara ang Skyway Stage 3 mula Buendia, Makati City hanggang Balintawak, Quezon City simula gabi ng Miyerkoles hanggang madaling araw ng Huwebes.

Sa isang Twitter post, sinabi ng Skyway O&M Corp. na sarado ang Skyway mula alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw para bigyang daan ang ilang construction-related activities.

Sarado rin umano ang naturang daan mula alas-10 ng gabi ng Huwebes hanggang alas-4 ng madaling araw ng Biyernes.

Binuksan noong Disyembre 29 sa mga motorista ang 4 na lane ng Skyway Stage 3 project.

ADVERTISEMENT

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nauna nang sinabi ng San Miguel Corp. na magagamit simula Enero 14 ang lahat ng 7 lane ng daan.

Wala rin munang toll fee sa unang buwan ng Skyway Stage 3 operations.

Dinurugtong ng proyekto ang North Luzon Expressway at South Luzon Expressway, at binabawasan ang travel time sa pagitan ng Buendia at Balintawak.

Nagsisilbi ring alternatibo ang Skyway Stage 3 sa EDSA para makabiyahe ang mga motorista sa iba't ibang lungsod sa Metro Manila.

RELATED VIDEO:

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.