Ilang lane sa Skyway Stage 3 binuksan na sa mga motorista | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ilang lane sa Skyway Stage 3 binuksan na sa mga motorista

Ilang lane sa Skyway Stage 3 binuksan na sa mga motorista

ABS-CBN News

 | 

Updated Dec 29, 2020 06:52 PM PHT

Clipboard

Skyway 3. Handout, San Miguel Corp.

MAYNILA - Binuksan sa mga motorista ang apat na lane ng Skyway Stage 3, na nag-uugnay sa Balintawak Toll Plaza at Buendia.

Magagamit ang tig-isang lane northbound at southbound lanes sa naturang tollway mula Disyembre 29 hanggang January 14.

Pagdating ng Enero 14 o 15 ay bubuksan na ang buong skyway sa mga motorista, na may tatlong lane magkabilaan.

Tinatayang wala pa sa 30 minuto ang magiging biyahe mula Balintawak papuntang Buendia gamit ang daan.

ADVERTISEMENT

Nang subukan ng ABS-CBN News ang Skyway, inabot ng 22 minuto mula NAIA Terminal 3 hanggang sa bago mag-Balintawak Toll Plaza.

Maaaring magamit ang 7 rampa sa Skyway Stage 3.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Sinubukan din ng ilang motorista, gaya ni Eric Fulgencio ang Skyway Stage 3. Aniya, napakalaking bagay ng bilis ng biyahe na dala nito.

"Makakatipid tayo ng krudo. Napakalaking bagay. Hindi mo na kailangan magmadali kung aalis ka sa bahay ng alas-4 ng umaga para makarating ka ng Parañaque na 3 oras ang biyahe. Makaka-save ka puwede mo pa itulog. At saka magiging mas productive ka," ani Fulgencio na nakatira sa Quezon City.

Ito ang: Buendia, Quezon Avenue, Balintawak, (northbound at southbound), at Southbound ramp sa Plaza Dilao.

Isang buwang libre ang toll, ayon sa San Miguel Corporation.

Pinag-iingat naman ng Department of Public Works and Highways ang mga motorista na dadaan dito dahil may mga expressway na ginagawa pa.

"Dapat mabagal lang ang takbo natin ngayon dahil may ongoing works so dapat mga 40kph ang recommendation namin at dahan-dahan lang. Pero pag open na siya, full na," ani DPWH chief Mark Villar.

Sa ngayon, bawal muna ang mga motorsiklo na 400cc.

Aabot sa 40 kilometro kada oras ang rekomendasyong bilis dito.

Idudugtong ang Skyway Stage 3 sa NLEX Harbor Link sa pamamagitan ng NLEX-SLEX connector.

Kapag naidugtong na ito, posibleng nasa 35,000 sasakyang dumaraan ng EDSA ang maaaring gumamit nito.

— Ulat ni Jacque Manabat, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.