2 patay sa pamamaril ng CAFGU sa Negros Occidental | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

2 patay sa pamamaril ng CAFGU sa Negros Occidental

2 patay sa pamamaril ng CAFGU sa Negros Occidental

Romeo Subaldo,

ABS-CBN News

Clipboard

Patay ang isang mag-ama sa pamamaril ng isang miyembro ng Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) sa bayan ng Moises Padilla sa Negros Occidental.

Sa video na ipinadala ng pamilya ng nag-ama, makikita ang huling sandali bago mamatay si John Albert Templatura at ang kanyang 70 anyos na ama na si Godofredo.

Pinagbabaril sila ng CAFGU na si Donan Socia.

Ayon sa Deputy Chief ng Moises Padilla PNP na si Police Lt. Armel Lasap humingi ng tulong ang barangay tanod ng Barangay Montilla sa detachment ng mga CAFGU sa barangay dahil nanggugulo umano si Albert dahil sa kalasingan noong January 2.

ADVERTISEMENT

Sa unang pagpunta ng mga CAFGU hindi nila nakita si Albert. Bumalik sila sa kanilang headquarters pero muling bumalik ang mga tanod para humingi ng saklolo. Bumalik ang mga CAFGU at inabutan ni Socia si Albert at kinausap.

Bigla itong tumayo at napasugod sa CAFGU dala dala ang kanyang itak.

Pinagbabaril siya ni Socia gamit ang kanyang M-16 Riffle. Sinubukan ng kanyang 70 anyos na ama na lumapit pero pati siya pinagbabaril din.

Patay ang mag-ama at sugatan naman ang dalawang mga babae na naka upo lang malapit sa lugar ng insidente dahil sa tama rin ng bala.

Ayon sa CAFGU na hindi na nagpakita ng kanyang mukha, self-defense lang ang nangyari. Inunahan umano niya na ang biktima bago siya tamaan ng itak.

Nakita niya rin umano na parang may binunot ang ama ni Albert na akala niya baril kaya pinagbabaril niya rin ito. Wala palang baril ang 70 anyos. May walong slugs ng M-16 rifle ang nakuha sa crime scene.

Masama ang loob ng pamilya ng mga biktima. Huminahon na raw kasi si Albert na lasing dahil nag-iinuman sila para sa kanyang 32nd birthday. Pero nang dumating ang CAFGU sinita siya nito kaya’t lumaban.

Hindi raw sana pinatay si Albert at nag-warning shot lang ang sana ang CAFGU. Masama ang kanilang loob sa sinapit ni Godofredo dahil wala naman itong dalang baril o itak pero pinagbabaril din.

Ayon sa PNP, sasampahan ng kasong two counts of murder ang suspek na nakakulong na. - ulat ni Romeo Subaldo

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.