Alert Level 3: Face-to-face classes suspendido sa basic ed, limitado sa HEIs | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Alert Level 3: Face-to-face classes suspendido sa basic ed, limitado sa HEIs

Alert Level 3: Face-to-face classes suspendido sa basic ed, limitado sa HEIs

Arra Perez,

ABS-CBN News

Clipboard

Simulation ng face-to-face classes sa Comembo Elementary School sa Makati noong Disyembre 2, 2021. Jonathan Cellona, ABS-CBN News/File
Simulation ng face-to-face classes sa Comembo Elementary School sa Makati noong Disyembre 2, 2021. Jonathan Cellona, ABS-CBN News/File

MAYNILA — Suspendido ang face-to-face classes sa National Capital Region (NCR) simula ngayong Lunes matapos ilagay ang rehiyon sa Alert Level 3 dahil sa pagsipa ng COVID-19 cases, ayon sa Department of Education (DepEd).

Sa isang pahayag gabi ng Linggo, sinabi ng DepEd na tigil muna ang face-to-face classes sa mga paaralan sa NCR hangga't hindi ito inilalagay sa Alert Level 2.

Disyembre nang muling magbukas sa mga estudyante ang 28 pampublikong paaralan sa rehiyon bilang bahagi ng pilot phase ng DepEd para sa unti-unting pagbabalik ng face-to-face classes.

Ayon sa DepEd, tuloy pa rin naman ang face-to-face classes sa mga paaralan sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 1 at 2.

ADVERTISEMENT

Bago nito, sinabi ng DepEd na balak nitong ipatupad ngayong Enero ang expansion phase ng face-to-face classes, kung saan mas maraming paaralan ang lalahok.

Sa mga kolehiyo at unibersidad, sinabi naman ng Commission on Higher Education (CHED) na pinapayagan ang 30-percent capacity na face-to-face classes sa mga lugar na nasa Alert Level 3.

Kalahating kapasidad naman ang pinapayagan sa mga lugar sa ilalim ng Alert Level 2, anang CHED.

Noong Disyembre, inaprubahan ang pagbabalik ng limited face-to-face classes sa lahat ng degree program sa higher education institutions (HEIs) nasa Alert Levels 1 at 2, habang ngayong Enero naman sa mga lugar na nasa Alert Level 3.

Epektibo ang Alert Level 3 sa NCR simula ngayong Lunes hanggang Enero 15.

Sa gitna naman ng pagbabago ng patakaran sa face-to-face classes, ipinanawagan ni Senate Basic Education Committee Chairman Sherwin Gatchalian ang pagkakaroon ng regular COVID-19 testing sa mga guro.

Ayon kay Gatchalian, kahit walang face-to-face classes, patuloy pa ring lumalabas ang mga guro para mag-report sa trabaho.

Hinikayat rin ng mambabatas ang mabilis na pagbabakuna sa mga may edad 12 hanggang 17.

"Sa kabila ng muling pag-akyat ng mga kaso ng COVID-19 at pagkalat ng nakakahawang omicron variant, patuloy nating dapat ipatupad ang lahat ng hakbang upang protektahan ang ating mga mag-aaral at mga guro upang hindi sila magkasakit," ani Gatchalian.

— May ulat ni Jaehwa Bernardo, ABS-CBN News

RELATED VIDEO

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.