Pilot face-to-face classes sa NCR, maayos na naipatupad: DepEd | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pilot face-to-face classes sa NCR, maayos na naipatupad: DepEd

Pilot face-to-face classes sa NCR, maayos na naipatupad: DepEd

ABS-CBN News

 | 

Updated Dec 07, 2021 03:09 AM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

(UPDATE) "Smooth" o maayos na naipatupad ngayong Lunes ang unang araw ng pagbabalik ng face-to-face classes sa mga paaralan sa Metro Manila, ayon sa Department of Education (DepEd).

Ayon kay Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan, wala pang natatanggap na "adverse report" ang ahensiya mula sa 28 pampublikong paaralan sa National Capital Region na muling nag-face-to-face classes matapos ang halos 2 taong pagbabawal dahil sa COVID-19 pandemic.

Nasa 2,300 estudyante mula Kindergarten hanggang Grade 3 at senior high school ang inaasahang lalahok sa face-to-face classes, ayon sa DepEd.

Sa Comembo Elementary School sa Makati, sa handwashing area muna pinapunta ang mga balik-eskuwelang estudyante bago dumiretso sa classroom.

ADVERTISEMENT

Sa Payatas B Annex Elementary School sa Quezon City, nagkaroon ng voluntary COVID-19 testing para sa mga estudyante.

Ayon naman kay Education Assistant Secretary Malcolm Garma, kuntento ang DepEd sa mga protocol na inilatag ng mga paaralan sa Metro Manila.

Pagkakataon na rin aniya ito para ma-assess ang face-to-face classes sa rural at urban setting.

"Nakita natin iyong kaibahan in terms of facilities. Pero bagaman nasabi natin iyong pagkakaiba sa pasilidad, ang importante dito iyong pagkakapareho ng pinatutupad na health protocols," ani Garma.

Ngayong Disyembre, ipapasa ng DepEd sa Office of the President ang assessment sa pilot implementation ng face-to-face classes, na magiging batayan kung ilang paaralan ang madadagdag sa expansion phase sa susunod na taon.

Ayon din sa DepEd, binabantayan nila ang mga health advisory ukol sa banta ng Omicron variant, na magiging konsiderasyon sa nakatakdang expansion phase.

Nobyembre nang mag-umpisa ang pilot face-to-face classes sa 100 pampubliko at 20 pribadong paaralan.

Kamakailan, nadagdagan ito ng 177 pampublikong paaralan, kabilang ang 28 sa Metro Manila.

— May ulat nina Arra Perez at Jekki Pascual, ABS-CBN News

RELATED VIDEO:

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.