ALAMIN: Ilang dagdag-benepisyo ng PhilHealth ngayong 2024 | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ALAMIN: Ilang dagdag-benepisyo ng PhilHealth ngayong 2024

ABS-CBN News
Published Aug 09, 2024 01:26 PM PHT

PhilHealth. Maria Tan, ABS-CBN News/File

MAYNILA — Sinabi ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) nitong Biyernes na marami itong benepisyo na pinalawig ngayong taon at may ilan pang pinag-aaralan na taasan din bago matapos ang 2024.

Sa panayam ng Teleradyo Serbisyo kay PhilHealth spokesman Ish Pargas, binanggit niya ang ilang karamdaman na dinagdagan ang benepisyo.

"Nagsimula na tayong mag-increase ng benefits simula ng 2024. Una sa bronchial asthma at bacterial sepsis of the newborn. Sinimulan ito ng January. Then February yung 30 percent para sa around 9,000 cases rate packages natin," ayon kay Pargas.

Sabi ni Pargas, ngayong third quarter ng taon ay magsisimula na rin silang maglabas ng benefit package para sa severe acute malnutrition.

ADVERTISEMENT
Bukod dito, dinagdagan din ang PhilHealth package para sa dengue hemorrhagic fever.

"Ganun din cataract, peritoneal dialysis na P270,000 a year," dagdag niya.

Patapos na rin umano ang PhilHealth sa paggawa ng benepisyo para sa outpatient therapeutic medicine and rehabilitation services.

"For outpatient, yung 13 diagnostics ay dinagdagan ng mammogram and ultrasound pero bago matapos ang taon, I think sa 4th quarter. Yung 21 na libreng gamot para doon sa konsulta ay magiging 54 na libreng gamot ang makukuha para sa konsulta," sabi ni Pargas.

Pinag-aaralan ng PhilHealth ang package para sa chemotherapy ng liver, lung, prostate and cervical cancer, pati na rin ang P600,000 package para sa kidney transplant.

"Sa first quarter ng 2025 ay baka mailabas na natin ang pakete para sa emergency case services," sabi ni Pargas.

Nitong linggo, sinabi ng PhilHealth na pinag-aaralan nila ang pagbawas sa monthly contribution ng mga miyembro nito.

KAUGNAY NA VIDEO:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT