Ninong Ry, nakilala ang partner dahil sa vlogging | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ninong Ry, nakilala ang partner dahil sa vlogging

ABS-CBN News
Published Feb 05, 2024 04:46 PM PHT
|
Updated Feb 05, 2024 09:26 PM PHT

MAYNILA -- Ang pagkakaroon ng katuwang sa buhay ang isa sa pinakamagandang naibigay ng vlogging para sa content creator na si Ninong Ry o Ryan Morales Reyes.

Sa naging pagbisita ni Reyes sa "Magandang Buhay," ibinahagi nito na malaki ang nabago sa kanyang buhay nang dumating ang partner na si Belle.

"Una sa lahat bago ako maging vlogger, alam niyo naman kapag bata, mga 20s ganyan, ay poor pa ang decision making natin. So nagkaroon ako ng malaking utang na hindi ko alam kung paano ko babayaran. Naalala ko noon, sabi ko mabayaran ko lang itong utang sa kinikita ko sa social media, okay na ako, pwede na ako magpahinga, pwede na akong bumalik sa pagtitinda sa palengke.' Eh higit pa roon ang ibinigay sa akin," ani Reyes.

"Tapos ang pinakamalaking naidulot sa akin ng content creation ay ito ang naging dahilan para ma-meet ko ang aking partner," ani Reyes.

Kuwento ni Reyes, hindi naman siya aktibo sa paghahanap ng pag-ibig.

"Wala akong panahon sa mga ganyang bagay. Simpleng tao lang ako, marupok pala ako. Kapag may nag-message sa akin na babaeng kasing ganda niyan ay walang kalaban-laban. So gusto ko lang po sabihin na siya ang tumrabaho sa akin," biro pa ni Reyes.

Bago magtapos ang 2023 ay ibinahagi ni Reyes sa kanyang vlog ang pagbubuntis ni Belle. Sa ginanap na gender reveal, isang baby boy ang inaasahan nila.

Taong 2020 nagsimulang gumawa ng vlog si Reyes, graduate ng culinary De La Salle-College of St. Benilde.

Kaugnay na video:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT