Patrol ng Pilipino: Mga batong ginamit umano ng mga sinaunang Pilipino sa paggawa ng tali, natuklasan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Patrol ng Pilipino: Mga batong ginamit umano ng mga sinaunang Pilipino sa paggawa ng tali, natuklasan

ABS-CBN News
Published Jul 14, 2023 10:01 PM PHT

MAYNILA – Sa Tabon Cave sa Quezon, Palawan muling nakatuklas ang mga dalubhasa ng panibagong piraso ng kasaysayan ng Pilipinas.

Natagpuan doon ng mga eksperto mula sa University of the Philippines Diliman School of Archaeology at National Museum ang mga batong pinaniniwalaang ginamit ng mga sinaunang tao sa paggawa ng mga basket at tali mahigit 30,000 taon na ang nakakaraan.

Ayon kay Timothy Vitales, researcher sa National Museum, posibleng maipaliwanag din nito kung paano nagawa ng mga naunang Pilipino ang kanilang mga bahay at maging mga bangka.

Kasalukuyang nakalagak sa National Museum ang mga makasaysayang batong ito ngunit hindi pa bukas sa publiko.
Kasalukuyang nakalagak sa National Museum ang mga makasaysayang batong ito ngunit hindi pa bukas sa publiko.
ADVERTISEMENT
Tiniyak naman ng pamunuan ng museo na masisilayan ang mga bato sa mga susunod na panahon.

– Ulat ni Johnson Manabat, Patrol ng Pilipino
Read More:
Patrol ng Pilipino
Johnson Manabat
Tabon Cave
National Museum
Anthropology
Philippine History
Archaeology
UP Diliman
Palawan
Fiber
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT