Batong ginamit umano ng mga sinaunang tao, nadiskubre sa Palawan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Batong ginamit umano ng mga sinaunang tao, nadiskubre sa Palawan

Batong ginamit umano ng mga sinaunang tao, nadiskubre sa Palawan

Johnson Manabat,

ABS-CBN News

Clipboard

Nadiskubre mula sa Tabon Cave, Palawan ang mga piraso ng bato na pinaniniwalaang ginamit ng mga sinaunang tao sa paggawa ng basket at tali. Johnson Manabat, ABS-CBN News
Nadiskubre mula sa Tabon Cave, Palawan ang mga piraso ng bato na pinaniniwalaang ginamit ng mga sinaunang tao sa paggawa ng basket at tali. Johnson Manabat, ABS-CBN News

Nadiskubre sa Tabon Cave sa Palawan ang mga ebidensiya gaya ng bato na posibleng magpapatunay na ginamit ang mga ito ng mga sinaunang tao sa paggawa ng basket at tali mahigit 30,000 taon na ang nakalilipas.

Ito ang resulta ng mahabang pag-aaral ng grupo nina Dr. Hermine Xhauflair mula sa UP-Diliman at Timothy Vitales na researcher mula naman sa National Museum.

Ayon kay Vitales, sa pamamagitan ng ganitong mga pag-aaral, mas maipapaunawa sa publiko kung gaano posibleng katagal na ang tradisyon ng paggawa ng basket at lubid.

“Basically ang scientific discovery na ito will help us appreciate more kung gaano na katagal ang tradition ng basket making and rope making which can be related sa paggawa ng baskets - paggawa perhaps ng mga sinaunang kabahayan noon and fish traps… and it can also tell us the possibility na ginagamit sa paggawa ng mga sinaunang bangka using this kind of fiber technology,” ayon kay Vitales.

ADVERTISEMENT

Ang Tabon Cave ay isang “significant archeological site” na matatagpuan sa bayan ng Quezon sa Palawan.

Nadiskubre ito noong 1962 ng Amerikanong archeologist na si Dr. Robert Fox.

Dito rin nadiskubre ang tinaguriang Tabon skull cap na pinaniniwalaang patunay ng presensiya ng Homo Sapiens sa Pilipinas.

Dagdag pa ni Vitales, ang makalumang teknolohiyang ito ng paggawa ng fiber gamit ang bato ay ginagamit pa rin hanggang ngayon ng ilang mga katutubo sa Palawan.

Sabi naman ni Xhauflair, mayroon ding ganitong kahalintulad na teknolohiya na paggawa ng fiber sa ibang mga bansa gaya ng Vietnam at France.

Bukod sa historical value ng mga batong ito, maituturing na "priceless" ang mga nadiskubreng ito, ayon sa pamunuan ng National Museum.

Nag-abiso naman si Vitales na hindi pa bukas sa publiko ang bagong tuklas na bato ngunit inihahanda na aniya ang magiging puwesto nito sa National Museum of Anthropology sa Maynila.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.