ALAMIN: Iwas-sakit tips tuwing taglamig | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
![dpo-dps-seal](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/Seal_Image_OD.png)
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ALAMIN: Iwas-sakit tips tuwing taglamig
ALAMIN: Iwas-sakit tips tuwing taglamig
ABS-CBN News
Published Dec 19, 2017 02:11 PM PHT
![Clipboard](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/ClipboardNews.png)
Inaasahang lalamig pa ang panahon sa mga susunod na araw habang papalapit ang kapaskuhan, ayon sa PAGASA.

Kaya naman para sa buntis na si Trisha Aranza, pinapanatili niyang mainit ang pangangatawan alinsunod na rin sa payo ng kaniyang doktor.

"Sabi ng doktor na kapag lalabas ako para magpa-check up, magmedyas daw ako, uminom ng tubig, magsuot ng makapal na jacket. Kasi ngayon sinisipon ako eh," ani Aranza.

Si Aranza ay nakatira sa siyudad ng Baguio, kung saan bumaba ang temperatura sa 12.5 degrees Celsius noong Biyernes at 11.5 degrees Celsius naman noong Sabado. Inaasahan pang bababa ito hanggang Pebrero.

"Yung amihan nagiging active po siya kaya biglang nagda-drop tayo [ng temperatura]. Lumalakas kasi ang northeast monsoon natin pag ganitong mga panahon kaya malamig," paliwanag ni Danny Galati, weather specialist ng PAGASA.

Pinaalalahanan naman ng medical experts ang publiko na mag-ingat sa mga sakit na posibleng makuha sa malamig na panahon.

Ilan na rito ang influenza-like illnesses tulad ng ubo, sipon at lagnat.

Kada taon, ayon sa City Health Office ng Baguio, tumataas ng 10 hanggang 20% ang bilang ng mga nakararanas ng mga flu-like illness.

Mas madalas din umanong umatake ang mga sakit sa balat kapag malamig.

"Nagda-dry kasi ang skin natin kasi akala ng balat natin may kalaban 'yung balat pero dahil sa extreme weather lang 'yun. One of which is nagkakaoron tayo ng pantal pantal...Or minsan, chicken skin or skin asthma," ani Dr. Kishi Generao, isang dermatologist.

Para maiwasan ang mga sakit dahil sa lamig, ugaliing gawin ang mga sumusunod:

- Pag-inom ng tubig
- Pagsusuot ng makakapal na damit
- Pagkain ng mga mataas sa bitamina
- Pag-iwas sa madalas na pagliligo ng mainit na tubig

Paliwanag ni Generao, nakawawala umano ng moisture ng balat ang madalas na "warm bath."

"Dapat iwasan 'yung mainit na water dahil hindi rin kasi maganda yun kasi yung moisture ng balat natin nawawala. So it's better na ikontrol lang 'yung temperature ng tubig tapos huwag tayo magtagal sa pagligo," payo ni Generao.

--Ulat ni Micaella Ilao, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT