Miss Earth 2022 candidates na may dugong Pinoy, nakaw-eksena | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Miss Earth 2022 candidates na may dugong Pinoy, nakaw-eksena

Miss Earth 2022 candidates na may dugong Pinoy, nakaw-eksena

Mario Dumaual,

ABS-CBN News

 | 

Updated Nov 20, 2022 06:50 PM PHT

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

BATANGAS CITY - Buong pusong ipinagmalaki ni Miss Singapore Charmaine Fallaria Ng ang kaniyang Pinoy roots sa beach wear competition ng Miss Earth 2022 pageant sa lungsod na ito ngayong weekend.

Kagrupo pa niya si Miss Canada, ang half-Pinay ding si Jessica Chiancino na Batanguena ang ina.

"I am your half-Pinoy, half-Chinese Earth warrior from Singapore!" ani Ng.

Tuwang tuwa ang dalawa na nabigyan pa sila ng pagkakataong magsayaw ng tinikling sa Pinoy fiesta theme ng pageant.

ADVERTISEMENT

Anila, karangalan ding makasama nila si Miss Philippines Jenny Ramp sa pageant.

Si Miss Colombia Andrea Aguilera ang tinanghal na Best in Beach Wear. Nauna na siyang napili bilang Darling of the Press at medalist sa Best in Swimsuit.

"This is my pageant, everything to me. I love the Philippines. Love you all! Everyone smiling," ani Aguilera, na noong isang taon ay nag-Top 12 sa Miss World.

Runners up ni Miss Colombia ang mga heavy favorite ding sina Miss Cuba Sheyla Perez na kahawig si Miss Universe 1993 Dayanara Torres, at si Miss Australia Sheridan Mortlock na giliw na giliw din sa Pilipinas.

Nauna nang nanalong Miss Congeniality si Mortlock.

ADVERTISEMENT

"Dayanara? I get that a lot. She’s my idol and inspiration. I so love the Philippines, it’s like my country," kuwento ni Perez.

"I’ve been here in the Philippines since a month ago to train here. Winning miss congeniality means so much to me!" sabi naman ni Mortlock.

Bukod sa beachwear awards, binigyan din ng special prizes sina Miss Canada at si Miss Belgium Daphne Nivelles na idolo naman si Miss Universe 2018 Catriona Gray.

"When I saw her, I said to myself I like to be her! Like her, I’m also a hard worker," sabi ni Nivelles.

Iikot pa ang mahigit 80 Miss Earth candidates sa iba’t ibang rehiyon ng bansa para madiskubre ang kultura at kalikasan ng Pilipinas.

Ihahatid ng TFC at A2Z ang coronation ng Miss Earth sa Nobyembre 29.

RELATED VIDEO

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.