Paano gawing mas komportable sa mata ang pag-o-online class? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Paano gawing mas komportable sa mata ang pag-o-online class?

Paano gawing mas komportable sa mata ang pag-o-online class?

ABS-CBN News

Clipboard

Nag-be-blended learning ang magkapatid na Charlize Hanna-Lee Eliquen at Carl Hailey sa loob ng kanilang bahay sa Parañaque City noong Setyembre 24, 2020. George Calvelo, ABS-CBN News


MAYNILA - Kalimitang nabababad ang mata ng bata sa computer, tablet, o smart phone, lalo na ngayong may online classes habang may coronavirus disease (COVID-19) pandemic, dahilan para mapagod ito o posibleng lumabo.

Sa programang "Sakto" sa TeleRadyo, ibinahagi ng ophthalmologist na si James Abraham Lee ang ilang payo para pangalagaan ang mata ng bata ngayong may online classes.

Watch more in iWantv or TFC.tv

PAHINGAHIN ANG MATA

Ayon kay Lee, importanteng pahingahin ang mata ng bata. Ito ay para mapahinga ang "muscle of focus" ng kanilang mga mata, na kapag nasobrahan sa paggamit ay nagdudulot ng pagkapagod.

"You have to take regular and frequent breaks, kasi ang mata natin, tuwing tumitingin tayo sa malapit, 'yung muscles of focus natin, mas nagagamit siya. Mas pagod siya. So kailangan niya ng mas maraming pahinga para di natin maramdaman ang sintomas ng digital eye strain na tinatawag," ani Lee.

ADVERTISEMENT

Payo ni Lee, sundin ang "20-20 rule" sa paggamit ng computer.

Sa 20-20 rule, dapat tumingin ang bata sa isang lugar 20 talampakan mula sa kaniyang kinaroroonan nang 20 segundo, kada 20 minuto.

"For every 20 minutes, you take a 20-second break - so sandali lang - by looking 20 feet away. Tumingin ka sa malayo para ma-relax ang focusing muscles mo. And the more that you do it... the more your muscles of focusing are more relaxed. So, maiiwasan natin yung sintomas ng digital eye strain," ani Lee.

LUMAYO SA COMPUTER SCREEN

Payo pa ni Lee na kung maaari, huwag masyadong ilapit ang bata sa screen ng computer.

I-ayon aniya ang layo ng bata sa computer sa laki ng haharaping screen.

"The farther you are, the more relaxed your muscles are.
Ang standard is around 18 to 24 inches. So, 'yan yung second rule. Kasi, mas malapit tayo, mas contracted yung muscles of focusing natin, mas malaki yung (chance) na magkakaroon tayo ng symptoms of eye strain," ani Lee.

KUMURAP

Dapat din kumurap nang madalas, na ayon kay Lee ay makakaiwas sa pagkairita ng mata.

"'Yung normal blinking rate is around 15 blinks in a minute. Pero 'pag nasa harap tayo ng screen, nagiging 5 beses lang tayo kumukurap sa isang minuto. Kaya, kapag hindi tayo nagbi-blink, nag-e-evaporate yung tears natin. We get symptoms of dryness. Sumasakit, humahapdi, kumakati at nagluluha pagkatapos. Kasi, yun ang response ng body natin. So very important ang blinking," ani Lee.

KOMPORTABLENG BRIGHTNESS, FONT

Dapat ding isaalang-alang ng magulang ang brightness o kaya font na naka-display sa computer.

Payo ni Lee, kung maaari ay piliin ang font at brightness na komportable para sa paningin ng mata.

"The bigger the fonts, the brighter your screen is. The more comfortable the brightness of your screen is, mas madaling magbasa kahit hindi ilapit yung gadgets o libro sa mata," ani Lee.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.