ALAMIN: Epekto ng gadgets sa mata ng bata | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ALAMIN: Epekto ng gadgets sa mata ng bata

ABS-CBN News
Published Jan 08, 2019 04:50 PM PHT

Nakagawian na ng ilan ang paggamit ng gadgets at hindi maiiwasang makahiligan ito ng ilan, maging ng mga kabataan.

Pero nagbabala ang isang doktor sa epekto ng labis na paggamit ng gadgets sa mga mata ng bata.

Ayon sa opthalmologist na si Alvina Pauline Santiago, nagdudulot ito ng samu't saring karamdaman sa mata, kabilang ang pagkalabo ng mata o pagkaduling.

Maaaring magkaroon ng myopia o nearsightedness ang bata sa labis na paggamit ng gadgets ng mga bata, na nagreresulta sa pagkalabo ng paningin nila.

ADVERTISEMENT
Dulot umano ito ng pagbabad ng mata sa "blue light" na inilalabas ng mga screen ng cellphone, tablet o kaya telebisyon.

"Puwede sanang walang effect ang gadget kung sandali mo lang gagamitin. Kaya lang kung more than 2 hours, 3 hours mo siyang ginagamit, 'yun 'yung nagca-cause ng problema, so 'yun ang nagca-cause ng pagiging myopic or nearsighted," ani Santiago, isang pediatric opthalmologist, sa "Good Vibes" ng DZMM.

Nagdudulot rin ito ng pagpupuyat, na mauuwi raw sa pagkapagod ng mata.

Dagdag niya, maaari itong magdulot ng "accommodative spasm" lalo na kung pinipilit ng isang bata na linawin ang kaniyang paningin, na posibleng mauwi sa sakit sa ulo

Maaari pa raw itong mauwi sa pagkaduling kung sobra-sobra na raw ang paggamit ng cellphone.

Magdudulot din ng dry-eye syndrome o ang panunuyo sa mata ang labis na pagtutok sa gadgets. Pero ayon kay Santiago, maaari pa itong masolusyonan sa wastong paggamit ng gadgets.

Ani Santiago, dapat sundan ang "1-2-10" rule sa paggamit ng gadgets, batay sa layo ng mata sa screen.

Dapat daw 1 talampakan ang layo ng mata ng bata sa paggamit ng cellphone. Dalawang talampakan naman daw dapat ang agwat ng bata sa computer habang 10 talampakan naman daw dapat ang layo ng bata sa telebisyon.

Nakakatulong din ayon kay Santiago ang pagpapalaki ng font o mga titik na nakikita sa phone para hindi mapagod ang mata ng bata. Pero kung lagi nang nilalapit ng bata ang kaniyang mata sa pinapanood ay agad daw dapat itong ipapatingin sa doktor.

"Kung kailangan, i-large font mo ang phone para hindi ma-strain. Kung nakikita mo 'yung bata na parang laging nilalapit ang mata [sa gadget] dapat ipa-check," ani Santiago.

Ipinayo ng doktor na dapat sanggol pa lamang ay ipinapasuri na ang bata para agarang makita kung may karamdaman sa mata. Dapat din daw ipinapasuri ang mata ng isang bata bago ito magsimulang mag-aral.

Kung hindi naman maiwasan ang pagpapahiram ng gadget sa bata ay dapat nililimitahan lamang ang paggamit nito.

"Advice ko sa mga parents na i-garahe yung telephone sa kwarto ni mommy. Ang charging dapat sa kwarto ni mommy," ani Santiago.