Tradisyunal na ‘pambabatok’ sa Kalinga, nais ipreserba | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Tradisyunal na ‘pambabatok’ sa Kalinga, nais ipreserba

ABS-CBN News
Published Nov 04, 2017 09:30 PM PHT

Ang "pambabatok" o pagtatato ay isa sa mga tradisyon ng mga taga-Cordillera.

Dito nakilala ang pinaniniwalaang huling mambabatok na si Whang-ud na galing sa probinsiya ng Kalinga.

Sa kuwento ni Lola Archag, isa sa mga natira sa kaniyang henerasyon na nagpabatok, ito raw ang simbolo ng kanilang katayuan sa kanilang kumunidad.

"Ito iyong trend noon para ikaw ay maging maganda sa paningin ng iba," ani Archag Samayao.

ADVERTISEMENT
Sinisimbolo aniya nito ang kagandahan, kalakasan, at karangyaan ng isang dalaga.

Pero ang sinasabing "sining" ng pambabatok, nagbabadya na umanong mawala.

"It's already a vanishing art kasi wala nang nagpapatato," ani Natividad Sagguiyao, provincial director ng National Commission on Indigenous Peoples sa Kalinga.

Nais ng gobyerno ng Kalinga na maipreserba ang ganitong tradisyon. Isa sa kanilang binabalak ay ang pagkakaroon ng isang pagtitipon ng lahat ng mga tattoo artist.

"We're looking at sustaining sana this traditional tattoo artist and the only way to sustain this is to gather all the tattoo artists, not only here in the province of Kalinga but in all provinces as well and some other nations who are doing this practice," saad ni James Edduba, acting governor ng Kalinga.

Sa pamamagitan ng isang resolusyon, kikilalanin din anila ang kontribusyon ni Whang-ud sa Kalinga.

'Oportunidad na makilala'
Nitong nakaraan nga lang, naging usap-usapan ang pagpunta ni Whang-ud sa Maynila kung saan maraming kritiko ang nagbigay komento ukol sa umano'y exploitation sa sikat na mambabatok.

Para naman sa mga taga-Kalinga, wala raw masama sa nangyari.

"Opportunity din niya na pumunta ng Manila. So kung ano man nangyari sa kaniya sa Manila kasi I was there, I don't see anything wrong with her being invited in Manila, to show off her skills or to show off her art because it's her profession and it's her business," ani Sugguiyao.

Sa ngayon, itinuturing ng Kalinga na malaking tulong sa kanilang turismo ang mga likha at pagkakakilanlan ni Whang-ud.

Umaasa sila na mapapanatili ang maiiwan nitong legasiya.

--Ulat ni Marianne Claire Reyes, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPh
Tagalog news
Kalinga
Pambabatok
Cordillera
Whang ud
National Commission on Indigenous Peoples
NCIP
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT