Ara Mina at Negi, may payo sa mga gusto mag-negosyo | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ara Mina at Negi, may payo sa mga gusto mag-negosyo

Ara Mina at Negi, may payo sa mga gusto mag-negosyo

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA -- Kuwentong negosyo ang ibinahagi nina Ara Mina at komedyanteng si Negi sa naging pagbisita nila sa "Magandang Buhay" nitong Martes.

Pauna ni Ara, hindi niya pinlano ang pagpasok sa negosyo. Ayon kay Ara, may-ari ng Hazel Berry Cafe, edad 14 pa lang siya nang magsimula ang hilig niya sa pagbe-bake.

"Nag-start sa passion. Not really planning to have a business but siyempre nung tumatanda ka na, iniisip mo na na kailangan ang kinikita mo ay ilagay mo somewhere, aside from naka-invest ka na ng bahay. Unahin mo muna ang bahay, unahin mo muna ang needs mo, sasakyan, next is business. At dapat lang na simulan mong business ay 'yung passion mo," ani Mina.

Kuwento ni Mina, ang paggawa niya ng cupcakes para sa binyag ng kanyang pamangkin ang naging simula ang kanyang bakeshop business.

Maliban sa ilang branches ng Hazel Berry Cafe, nagbukas din si Ara ng isang fine dining restaurant ang Evergreen by Ara na nasa Tagaytay, Nasugbo Highway.

ADVERTISEMENT

Tulad ni Ara, hindi rin pinlano ni Negi ang pagkakaroon niya ng sariling bar sa Navotas.

"Ako same kay Ate Ara 'yung parang hindi pinlano. 'Yung Negi's kasi may kasosyo ako, mga childhood friends ko sila. Madalas kami gumimik nagkikita kami sa isang bar sa Navotas din. Sabi ko lagi tayong nagkikita rito, biglaan lang, bakit hindi tayo magtayo ng sarili nating bar? Hanggang sa 'yon nabuo na ang Negi's," ani Negi.

Bago pa maging matagumpay ang kasalukuyang mga negosyo, ilang negosyo din ang pinasok noon ng dalawa pero hindi nagtagumpay.

Sa programa, ibinahagi rin nina Ara at Negi ang ilang payo para sa mga nais pumasok sa pagnenegosyo.

Watch more News on iWantTFC

Ayon sa dalawa, maliban sa pag-ibig o hilig sa ginagawa, kinakailangan ng mahabang pasensiya at sipag para magtagumpay ang papasuking negosyo.

Kaugnay na video:

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.