Ara Mina, nagbukas ng bagong cafe | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ara Mina, nagbukas ng bagong cafe

Ara Mina, nagbukas ng bagong cafe

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA -- Mula sa kanyang hilig sa paggawa ng cupcakes at cookies, nagtayo ang aktres na si Ara Mina ng kanyang sariling cafe sa Holy Spirit Drive sa Don Antonio Heights, Quezon City.

Ipinasilip ni Ara sa "Umagang Kay Ganda" nitong Huwebes ang kanyang restawran na Hazelberry.

"Kasi noong 2013 ay nagbe-bake na ako. Tapos tumatanggap ako ng orders ng cupcakes, ng cookies, sumasali ako ng bazaar. So I decided na magtayo ako ng bakeshop, ng cafe," ani Ara.

Ayon kay Ara, hango sa kanyang pangalan at nickname na ginamit noon ang pangalan ng kanyang cafe.

ADVERTISEMENT

"Sa mga hindi po nakakaalam, ang totoo ko pong pangalan ay Hazel. Tapos noong nagkaroon ako ng Blackberry phone, 'yung may BBM, ang pangalan ko doon ay Hazelberry. Kaya noong nag-start akong mag-bake, naisip kong bakit hindi ko gamitin ang pangalan na ginamit ko noon," paliwanag ni Ara.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.