PatrolPH

'Retri gods' post ni Mimiyuuuh, kinagiliwan ng netizens

ABS-CBN News

Posted at Sep 29 2022 12:06 PM

MAYNILA -- Patok sa mga netizens ang post ni Mimiyuuuh sa social media kung saan lalaking-lalaki ang dating niya dahill sa istilo ng kanyang buhok.

Sa kanyang Instagram post nitong Miyerkoles, ibinahagi ni Mimiyuuuh ang tatlong retrato na kuha mula sa pagpapa-treat niya ng buhok sa isang salon.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by mimiyuuuh 🦖 (@mimiyuuuh)

Biro ni Mimiyuuuh, kailangan munang itago ng mga lalaki ang kanilang mga nobya dahil sa kanya.

"Tago niyo muna mga girlfriends niyo mga lodi! Baka retri gods ‘to," ani Mimiyuuuh.

Sa comment section, makikitang benta at nakakatawa sa mga tagasunod ni Mimiyuuuh ang kanyang post. 

Isang vlogger na mayroong higit 4 milyon subscribers sa YouTube si Mimiyuuuh na sumikat sa "Dalagang Pilipina" challenge. 

Sa nakaraan niyang vlog, ibinahagi ni Mimiyuuuh ang saya na tanggap siya ng kanyang mga magulang bilang gay.

Kaugnay na video:

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.