Tagaytay City muling nagbukas sa mga turista | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Tagaytay City muling nagbukas sa mga turista

Tagaytay City muling nagbukas sa mga turista

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 08, 2020 05:31 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA -- Nagbukas na sa mga turista ang Tagaytay City, matapos matengga ang industriya ng turismo nang limitahan ng gobyerno ang paggalaw ng mga tao dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Ito ay matapos ilagay ang Cavite, kung saan napaparoon ang Tagaytay, sa modified general community quarantine -- ang pinakamaluwag sa apat na quarantine classifications na ipinapatupad ng gobyerno ngayong may pandemya.

Kasama sa nagbukas ang mga establisimyento gaya ng mga restaurant at hotel na nakakuha ng Certificate of Operation mula sa Department of Tourism.

Kaakibat nito, 50 porsiyento lamang muna ng kapasidad ng mga establisimyento ang pinapayagan.

Nagsagawa rin ng dry run ang Tagaytay City Tourism Office sa isang amusement park para matiyak na magiging maayos ang muli nitong pagbubukas sa Biyernes.

ADVERTISEMENT

May mga nakalatag din ditong mga social distancing marker at kailangang pumirma ng health declaration form, at sumailalim sa temperature check ang mga bibisita.

"We are following the guidelines of 50-percent capacity dahil ang park naman natin ay 5 hectares kaya marami pa rin tayo guest na ma-accommodate sa mga rides natin. May mga social distancing din. We conducted na rin ng orientation sa ating mga frontliners," ani Skyranch Tagaytay branch manager Leonard Torres.

Ayon kay Tagaytay City Administrator Engr. Gregorio Monreal, hinihingi nila ang kooperasyon ng mga turista at pinapaalalahanan na sundin ang mga ipinapatupad na health protocols.

Aabot aniya sa P200 milyon ang tinatayang mawawala sa kita ng Tagaytay City mula sa turismo.

Pero posible umanong bilyon ang abutin nang mawawala sa kita ng pribadong sektor kaya malaking tulong ang pagbubukas muli ng lungsod sa turismo.

“Inaasahan namin na unti-unti na pupunta ang ating mga local tourist. Mula ng Taal Volcano eruption since January, mga hotel naapektuhan. Inaasahan natin sana naman makabangon na sila sa kanilang business opportunity ngayon,” ani Monreal.

“Sa mga gustong pumunta ng Tagaytay, inaasahan namin na makikipag-coordinate kayo sa ipinapatupad na alituntunin tulad ng wearing face mask, face shields, maintain social distancing sana, mag-log sa mga establishment na pupuntahan para 'yung contact tracing process mabilis,” ani Monreal.

Dahil sa muling pagsigla ng turismo sa lugar, kumpiyansa ang mga nagtitinda na makakabangon sila matapos ang ilang buwan.

"Dumagsa po 'yung tao dito sa Tagaytay at saka po gumanda ang bentahan," anang vendor na si Maria Teresa Ancaya.

Hindi na kailagan ng travel pass pero asahan na kailangang dumaan sa mahigpit na checkpoint papasok ng Tagaytay City ang mga turista.

— Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.