Dahil walang kasal: Presyo ng bulaklak sumadsad sa Tagaytay | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Dahil walang kasal: Presyo ng bulaklak sumadsad sa Tagaytay

ABS-CBN News
Published Jul 28, 2020 12:09 PM PHT

Sumadsad ang presyo ng mga bulaklak sa Tagaytay City, ngayong kanselado ang mga mass gathering gaya ng mga kasal sa harap ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Paliwanag ng mga nagbebenta, kalimitan nilang mga kliyente ang mga nagpapakasal sa lugar.

"Mahirap sa ngayon dahil talagang ano, panay na ano lahat, cancelled ganoon,” ani Maricel Gochingco, flower vendor.

Bumaba nang P50 hanggang P300 ang presyo ng mga bulaklak
Bumaba nang P50 hanggang P300 ang presyo ng mga bulaklak
ADVERTISEMENT
Presyo ng bulaklak sa Tagaytay City
• Roses →P150-P200/bundle (mula P300 hanggang P350)
• Sunflower →P300-P350/bundle (mula P500 hanggang P600)
• Sunflower →P100-P150/piraso (mula P200 hanggang P250)
• Stargazer →P200-P250/piraso (mula P300)
• Misty →P150-P200/bundle (mula P200 hanggang P250)
• Statice →P150-P200/bundle (mula P200 hanggang P250)
• Malaysian mums →P280-P300/dosena (mula P350)
• Alstroemeria →P80-P100/dosena (mula P150 hanggang P200)

Matatandaang nilimitahan ang mga malalaking gathering gaya ng mga kasal dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Matindi ring natamaan ang events organizing at tourism industry sa Tagaytay City, isa sa tinaguriang pinakamalaking tourist hubs ng bansa dala nito.

IBA PANG MGA MALILIIT NA NEGOSYO SAPUL NG PANDEMYA
Bukod sa mga bulaklak, umaaray din ang mga vendor ng prutas at mga pasalubong sa pagsadsad ng kanilang kita.

Isa rito ang tindera ng prutas na si Gloria Sanggalang na dati’y kumikita ng P5,000 sa pagtitinda ng prutas kapag weekday at P10,000 kapag weekend ay pumapalo na lang umano ng P3,000 ang kinikita ngayon.

"Sobra pong tumal. Kapag po mga ordinary days, bahagya na po kaming makakita kasi wala po talagang mga turista eh,” ani Sanggalang.
Ayon sa iba pang nagtitinda, naging matumal ang kanilang benta ngayong wala nang mga turista.

"May araw po na mabenta, may araw po na walang benta. Pero madalas po talaga, kaunti lang ang benta,” ayon kay Luisa Robancion, nagbebenta ng prutas.

Bahagya ring tumaas ang presyo ng prutas nang magkaroon ng pandemya pero bumaba naman ang presyo ng pinya na kilalang produkto sa lugar - na nasa P35 kada piraso ngayon mula P90.

Naging matumal na rin ang benta ng mga nagtitinda ng pasalubong, gaya ni Julie Ungria na naglalako ng espasol.

"Baka sakali na lang po kung may bumili at may benta. Pambili na lang namin ng pagkain namin,” ani Ungria.
"Baka sakali na lang po kung may bumili at may benta. Pambili na lang namin ng pagkain namin,” ani Ungria.
ADVERTISEMENT
Isa ang tourism sector ng bansa sa mga pinakasapul sa pandemya sa pagsasagawa ng quarantine measures na naglilimita sa paggalaw ng tao.

Umaasa ang mga negosyante na manunumbalik ang sigla ng turismo sa Tagaytay oras na matapos ang pandemya.

— Ulat ni April Magpantay, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog News
business
Tagaytay
Tagaytay pandemic
Tagaytay tourism COVID-19 pandemic
tourism COVID-19
COVID-19 updates
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT