TINGNAN: 'Ako Ay May Kiki,' isinusulat na | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

TINGNAN: 'Ako Ay May Kiki,' isinusulat na

TINGNAN: 'Ako Ay May Kiki,' isinusulat na

ABS-CBN News

Clipboard

Mukhang masusundan ang children's book na "Ako Ay May Titi," ang librong nag-viral kamakailan lang sa social media dahil sa tahasang mensahe nitong pangangalaga sa ari ng mga kalalakihan.

Ipinakita nitong Martes ng Lampara Books ang character sketch ng "Ako Ay May Kiki," ang ikalawang installment ng librong isinulat ni Genardo Gojo Cruz at iginuhit ni Beth Parrocha.

Bibigyang-pansin naman nito ang pag-iingat ng mga kababaihan sa kanilang ari.

Ikinatuwa ng maraming netizen ang unang libro, dahil sa mensaheng gusto nitong iparating sa mga kabataan at sa aral na mapupulot mula sa kuwento.

ADVERTISEMENT

Mahalaga na mapag-usapan ng maraming magulang at kanilang mga anak ang itinuturing na sensitibong paksa, ayon sa Lampara Books.

“Nakasanayan na kasi natin na mahiya sa usapin ng bahaging ito ng katawan pero paano malalaman ng mga batang lalaki ang pag-iingat sa kanilang titi kung hindi natin sila tuturuan," ayon sa Facebook post ng publishing house tungkol sa librong 'Ako Ay May Titi.'

Naubos agad ang stock ng unang libro, isang linggo matapos ito i-release ng Lampara Books.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.