‘Plantito, plantita’ community pantry sa QC namigay ng libreng halaman, binhi | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
‘Plantito, plantita’ community pantry sa QC namigay ng libreng halaman, binhi

Lyza Aquino,
ABS-CBN News
Published Jun 15, 2021 06:33 AM PHT
|
Updated Jun 15, 2021 06:42 AM PHT

Mistulang paraiso para mga plantito at plantita ang community pantry na inorganisa ng mga market vendor at mananahi sa Kamuning, Quezon City.

Imbes na mga libreng pagkain ang ipamigay, naging tampok sa pantry nila ang mahigit 100 piraso ng mga halaman at mga binhi na libreng ipinamigay sa mga pumila.

Ayon kay Ola Torres, nagtitinda ng baboy sa Kamuning market at isa sa mga nag-organisa ng pantry, ilan sa mga pinamigay nila ay ang mga sumusunod:

- Ornamental plants tulad ng forever rich, mayana
- Herbal plants tulad ng insulin, oregano
- Halamang gulay tulad ng okra at talong
- Bulaklak tulad ng Vietnam rose, fortulaca
- Succulents tulad ng turtle vine, at iba pa tulad ng sygonium, calateya, San Francisco, five fingers at snake plant

Bukod pa sa mga halaman, namigay rin sila ng mga binhi ng parsley, basil, siling panigang, bell pepper, lettuce, bokchoy at iba pa.

May bonus pang mga paso, foam soil at fertilizer.

Tumagal ng 4 na oras ang event na binantayan rin ng mga tanod sa lugar upang maipatupad ng maayos ang mga safety protocol.

Ayon kay co-organizer Herbert Fabrigas, kahit matumal ang kanilang benta sa palengke ay hindi ito aniya hadlang para makatulong sa kapwa.

Naisipan nilang mag-organisa ng ganitong community pantry para na rin mahikayat ang mga kababayan natin na mag-urban gardening.