PatrolPH

Palaboy sa ‘free hug’ video kasama ang ABS-CBN reporter natagpuan na ng kapatid

ABS-CBN News

Posted at May 03 2022 06:32 AM | Updated as of May 03 2022 08:14 PM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA – Ilang araw matapos mag-viral ang umano’y mystery photo bomber na yumakap sa isang ABS-CBN News reporter sa camera, natagpuan siya ng kaniyang kapatid sa Las Piñas City nitong Lunes.

Sa video na kuha ng isang concerned citizen na nakakita sa palaboy na si Melanie Dubos, nabanggit nito ang pangalan ng kaniyang mga kapatid.

Sa Muntinlupa natunton si Mona Dubos, ang isa sa mga tinuturong kapatid ni Melanie, sa tulong ng dati niyang among nakipag-ugnayan sa ABS-CBN News.
 

Nakitang pa ng ilan pang concerned citizen si Melanie na pa-ikot-ikot sa Barangay Almanza Dos sa Las Piñas. 

Nakita siya sa kanilang social media post, kaya't agad silang kinontak para magtagpo sina Mona at ang matagal niya nang nawawalang kapatid na si Melanie.

Dinala si Melanie sa Barangay Alabang kung saan nakatira si Mona. 

Dinala sa National Center for Mental Health ang palaboy para i-assess ang kaniyang kalagayan.

Para sa mga gustong maghatid ng tulong kay Melanie Dubos, maaaring magpadala sa GCash account ni Leslie Poblete sa 09270269397. – Ulat ni Larize Lee, ABS-CBN News

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.