KILALANIN: Chef na may free online tutorial inaalala ang kapakanan ng kapwa baker | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

KILALANIN: Chef na may free online tutorial inaalala ang kapakanan ng kapwa baker

KILALANIN: Chef na may free online tutorial inaalala ang kapakanan ng kapwa baker

Job Manahan,

ABS-CBN News

Clipboard

Larawan mula sa Instagram page ni Chef RV Manabat/IG: @chefrvmanabat

"Why would I charge for something [kung] puwede mo namang ibigay nang libre sa mga tao?"

Ito ang sambit ni chef Rudolf "RV" Manabat, na kilala sa kanyang viral baking at food tutorials sa kasagsagan ng isang taong quarantine sa bansa, nang tanungin kung ano ang rason sa likod ng kanyang free online recipes na patok sa social media.

Para kay Manabat, na tubong Biñan sa Laguna, importanteng maibahagi niya sa kanyang kapwa bakers at mga Pilipino ang recipes nang libre para matulungan ang mga ito sa kabila ng pandemya, lalo na't naghihikahos din ang food and beverage industry ngayong quarantine.

"Why would I charge something that I could give out for free? And especially during this trying times, bakit pa kailangan mong maningil?" kuwento niya sa ABS-CBN News sa isang panayam ngayong Martes.

ADVERTISEMENT

Masaya rin daw ang chef dahil ilan sa mga Pinoy ngayon na nagsimula ng online baking business ang nagsabing inspirasyon siya kung bakit nanumbalik ang kanilang interes sa baking, at ilan sa kanilang binebenta ay mula mismo sa kaniyang recipes.

Proud si Manabat sa achievement na ito, pero inamin niyang nape-pressure din siya.

"I am very happy for them, to see people surviving and very happy, very fulfilled... but at the same time I'm also challenged," aniya.

"People say, 'You are our inspiration, you inspired us to do these things, to use baking, to start a business out of baking.' I am challenged, I have to maintain the status na my own bakery business should do well."

Dahil sa pandemya, aabot sa 290,767 manggagawa mula sa food at accommodation business ang natigil sa trabaho dahil sa pansamantalang pagsasara ng mga kompanya, ayon sa ayon sa Department of Labor and Employment nitong Enero.

ADVERTISEMENT

Ang mga ito ay galing sa 19,516 na establisimyento.

Kasabay niyan, tuluyan nang nagsara ang ilang food and accommodation business, bagay na nakaapekto sa 40,465 manggagawa mula sa 3,858 na establisimyento.

ONLINE EDUCATOR

Marami na ang pumuri kay Manabat dahil sa kanyang online tutorials na komprehensibo at "science-based." Aniya, ito ay dahil itinuturing niya na science ang pag-bake, na kinahiligan na niya kahit bata pa siya.

BALIKAN

Watch more in iWantv or TFC.tv

Dagdag niya, hindi siya nagsimula mag-vlog para "magpa-cute" sa harap ng camera.

"Baking is really a science. You have to believe in it, you have to practice it and you have to learn the basics. It is as simple as this," sabi niya.

ADVERTISEMENT

"I don't want to waste people's time and people's money, na bibili sila ng ingredients tapos palpak naman yung product na magagawa nila simply because nagpa-cute ako sa camera."

Gusto raw niyang makilala siya bilang online educator, at hindi entertainer. Ang kanyang lapas 19.4 million combined views sa YouTube ay patunay sa pilosopiya niyang ito.

"Sa akin naman, you watch my platform if you want to learn how to bake, if you want to start a business or simply, wala ka talagang alam sa kusina, gusto mong gawing outlet ang pagluluto for happiness."

Ilan sa mga sikat niyang video ay ang paggawa ng chocolate-chip cookies, homemade chocolate crinkles, at easy moist chocolate cake.

Kilala rin ang chef sa kanyang cheesy milk donuts, na sumikat din noong kasagsagan ng lockdown.

ADVERTISEMENT

'I EAT CHALLENGES FOR BREAKFAST'

Aminado rin ito na kahit sila sa kaniyang restaurant ay apektado ng COVID-19 pandemic, dahil pansamantalang for take-outs muna ang establisimiyento.

Pero sa kabila daw ng nararanasang mga pagsubok, nananatili siyang matatag, kaya naka-focus siya ngayon sa kaniyang passion sa pagluluto at sa online pastry demos na pinagkakakitaan rin.

Ang mensahe niya sa mga gustong tahakin ang food business: maging matapang at yakapin ang realidad nito.

"You have to stay happy and you have to stay motivated because it is a hard venture... Hindi siya parang entertainment na 'pag ayaw mo na, lilipat ka na sa kabilang channel... Pag sinimulan mo, kailangan tatapusin mo, at ipagpapatuloy mo," aniya.

"I also eat challenges for breakfast... It is a difficult journey. Everyday is difficult when you are in the food business and you have to consider that. I-embrace mo 'yun as part of your daily lifestyle."

ADVERTISEMENT

Sabi ni chef Manabat, mananatiling libre ang kanyang recipes online.

Hinimok din niya ang iba pang mga kapwa bakers na huwag makalimot sa kanilang mga pinagmulan.

"'Yung iba, kapag lumaki na yung business, parang nakakalimutan na nila kung paano sila nagsimula. Kasi when you go back to the basics, kapag nagkaproblema ka... babalik ka lagi doon sa basic. Makikita mo yung solution doon," aniya.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.