Online seller nalamang pasado sa LET habang nagla-live selling | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Online seller nalamang pasado sa LET habang nagla-live selling

ABS-CBN News
Published Mar 15, 2022 12:43 PM PHT
|
Updated Mar 15, 2022 01:21 PM PHT

Napaiyak sa tuwa ang isang babaeng online seller sa Masbate nang malamang pumasa siya sa Licensure Examination for Teachers (LET) dahil sa pagbati sa kaniya ng mga buyer habang nagla-live selling siya.

Noong una'y hindi makapaniwala si Jerlyn Esteves, 30, na nakapasa siya sa exam para maging guro dahil hindi aniya siya nakapag-review nang maayos sa sobrang pagkaabala sa online selling.

"Walang review-review dahil super busy sa small business. Pinaubaya ko kay God ang 'pag exam ko," kuwento ni Esteves sa ABS-CBN News.

Hiningan pa niya ng retrato ang buyer na unang nag-congratulate sa kaniya bilang patunay sa sinasabi nitong pagpasa niya. Doon umano niya nakita ang kaniyang pangalan sa hanay ng mga pumasa.

Hindi umano ito ang unang beses na kumuha si Esteves ng LET.

Noong 2019, todo-handa umano si Esteves para sa exam pero hindi siya pinalad na makapasa.

"Kahit sobrang preparado ka sa exam, kung hindi pa para sa 'yo, 'di pa ibibigay. Pero kung time mo na talaga, kahit 'di mo alam ang sinagot mo doon, pagdating kay Lord, pasado ka," ani Esteves.

Lubos ang pasasalamat ni Esteves sa mga taong walang sawang sumuporta sa kaniya sa kabila ng mga pinagdaanang hamon ng kanilang pamilya, lalo nitong panahon ng pandemya.

— Ulat ni Aireen Perol
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
regional news
rehiyon
Masbate
licensure exam for teachers
LET
online seller
online selling
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT