Ilang farm sa Albay, handa na para sa selebrasyon ng Araw ng mga Puso | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ilang farm sa Albay, handa na para sa selebrasyon ng Araw ng mga Puso

ABS-CBN News
Published Feb 13, 2021 01:18 PM PHT

Marami na ang pinipiling mamasyal sa ilang farm sa Albay kaysa sa ibang pasyalan. Dahil sa lawak nito, mas ligtas sa banta ng COVID-19.

Bukod dito, tahimik at presko ang hangin sa lugar, gaya ng dinarayong Farm Plate sa Barangay Gabawan sa bayan ng Daraga.

Kaya naman ang may-ari ng farm na si Harry Llaguno, nagsumikap na maihanda rin ang lugar para sa selebrasyon ng Valentine's Day.

Sa entrance pa lang ng farm, marami na ang mga inilagay na dekorasyong puso.

ADVERTISEMENT
Maliwanag ang gabi dahil sa mga pailaw, maging sa mga cottage.

May inilagay din na malaking heart wreath na nababalot ng sari-saring mga bulaklak.

Maging ang swing, puno ng mga bulaklak.
Maging ang swing, puno ng mga bulaklak.
Agaw-atraksiyon din ang tunnel of lights na katabi lang ng kapilya na tinaguriang pinakamaliit na chapel sa buong Pilipinas.
May campsite din sa farm sa mga nais mag-overnight stay.
Nasa P75 ang entrance fee sa adults at P50 naman sa mga batang nag edad 12 pababa. Libre namang pumasok ang senior citizens simula Lunes hanggang Huwebes.

Handa na rin sa selebrasyon ng Valentine's Day ang Aguas Farm sa bayan ng Sto. Domingo sa Albay.

Sakto ang lugar para sa mga nais magkaroon ng romantic date.
Ngayong weekend, opisyal na bubuksan sa lugar ang kanilang glamping site.

Bukas na rin sa publiko ang pinakabagong farm sa Barangay Bigaa sa Legazpi City. Ito ang 76 Farm na pagmamay-ari ng pamilya Arienda.

Bukod sa magandang tanawin, makikita rin dito ang mga alaga nilang hayop.

Nasa P20 lang ang entrance sa farm with free face mask pa ngayong araw ng mga puso.

- Ulat ni Karren Canon
Read More:
Valentine's Day
farms
Albay
Regional news
Tagalog news
Valentine's Albay
Albay farm
Albay tourism site
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT