Sunflower farm sa Occidental Mindoro, dinarayo | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Sunflower farm sa Occidental Mindoro, dinarayo

Sunflower farm sa Occidental Mindoro, dinarayo

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA - Dinarayo ngayon ang sunflower farm ng pamilya Zabal sa bayan ng Rizal sa Occidental Mindoro.

Ayon sa mag-asawang Alpha at Serge Zabal, hindi nila inaasahang tutubo at mamumulaklak ang mga itinanim na sunflower seeds mula Thailand.

“Ang tinaniman namin almost 200 square meters lang po. Ito po ay experiment lang po. Biro lang na nagtanim pero sabi ko paano po ba ito lalaki. Sa Thailand, ang sunflower nila doon hanggang ulo ko lang po pero ito lampas ng ulo ko,” pahayag ni Serge sa panayam sa TeleRadyo Biyernes ng umaga.

Dating teacher sa Thailand ang mag-asawa na mas napadali ang desisyong umuwi for good dahil sa pandemya.

ADVERTISEMENT

“Last March umuwi 'yung husband ko, after a week nung umuwi siya nag-lockdown na po so naiwan akong mag-isa doon,” sabi ni Alpha.

Nahirapan at nakaranas ng depression sa Thailand si Alpha dahil sa pag-iisa. Pinayuhan siya ng asawa na umuwi na lamang din sa Pilipinas at doon muling magsimula sa kanilang farm.

Pag-uwi niya ng Disyembre, naisipan ni Alpha na magdala ng sunflower seed na siya namang sinubukang itanim ng kaniyang asawa sa kanilang farm.

“Nagtiyaga akong magdilig and then inabonohan ko po. Ang resulta ay naging ganito nga at naging maganda, lumaki. Ito po ay mahigit 40 days pa lang simula nang maitanim ko po,” sabi ni Serge.

Sa ngayon ay tumatanggap sila ng mga bisita sa farm sa halagang P10 entrance.

“Napakaraming tao po ngayon kasi po holiday, nakaka-overwhelm po talaga,” sabi ni Alpha.

Laking tuwa ng mag-asawa na naibabahagi nila ang kanilang sunflower farm sa ibang tao.

- TeleRadyo 12 Pebrero 2021

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.