ALAMIN: Mga sintomas ng problema sa thyroid | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Mga sintomas ng problema sa thyroid

ALAMIN: Mga sintomas ng problema sa thyroid

Jasmin Romero,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA – Nagbabala ang isang eksperto sa mga maaaring nararamdaman ng isang tao na sintomas na pala ng goiter, o isang klase ng problema sa thyroid.

Sa paggunita ngayon ng Goiter Awareness Week, sinabi ng endocrinologist na si Dr. Analyza Galia-Gabua na kailangang suriin ang katawan para maagapan ang naturang sakit.

"Ano nga ba ang goiter? Ang goiter ang tawag natin sa abnormal na sukat o hugis ng thyroid gland, o bosyo sa Tagalog. Kapag may bosyo, puwedeng hindi normal o abnormal ang trabaho ng thyroid gland," ani Galia-Gabua sa isang webinar.

Ang thyroid ay gland ng katawan na naglalabas ng thyroid hormones, na siya namang nagre-regulate ng metabolism rate, temperatura, kakayahan ng katawan magproseso ng cholesterol, digestion, heart rate, at iba pa.

ADVERTISEMENT

"Noong 2008 nagsagawa ng survey ang ating mga kasamahang endocrinologist, nakita nila sa 1 sa 12 Pinoy ay may goiter. Sa mga taong ito... 6 percent ay hyperthyroid o sobra ang thyroid hormone or toxic goiter, 3 percent sa kanila ang kulang sa thyroid hormone o hypothyroid na tinatawag," aniya.

"Kapag sobra ang thyroid hormone para kang hinahabol kahit nakapahinga. Para kang nag-e-exercise kahit nakapahinga ka lang. Lahat mabilis," ani Galia-Gabuat.

Kabilang sa mga sintomas ng pagkakaroon ng hyperthyroid ay pagbaba ng timbang, mabilis na heart rate, madaling mataranta, tremors, wide eyes, pagkalagas ng buhok, at iba pa.

Narito naman ang mga sintomas ng hypothyroidism:

"Bumibigat ang timbang, palaging pagod, low bat, low energy, mabagal ang tibok ng puso, tumataas ang cholesterol, puwedeng maging makakakalimutin o malungkutin. Bumabagal ang pagdumi, nagiging constipated, puwedeng malaki ang thyroid, sumakit ang kasu- kasuan," sabi ng doktor.

Lahat ay maaaring magka-goiter pero mas mataas ang tsansa ng mga buntis.

"Sa mga pag-aaral po laging mas maraming babae ang nagkakaroon ng goiter. Sa atin po sa Pilipinas, may tatlong babae ang may goiter kada isang lalaking may goiter," ani Galia-Gabuat.

Ayon sa endocrinologist, importante talaga ang magpakonsulta sa doktor.

"Misnan po buong thyroid sa leeg ang malaki. Hindi po lahat ng bukol sa leeg ay goiter agad, minsan po... tuberculosis pala so may ganu'ng sitwasyon na. So importante na magpakonsulta sa inyong doktor... Karamihan po ay nakukuha sa gamot, depende sa kung anong level na-diagnose. Maraming goiter ang hindi kailangan operahan," paalala ni Galia-Gabuat.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.