Abnormal na paggana ng thyroid gland maaaring makamatay: doktor | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Abnormal na paggana ng thyroid gland maaaring makamatay: doktor

ABS-CBN News
Published Jan 06, 2020 03:08 PM PHT
|
Updated Jan 06, 2020 03:29 PM PHT

Mapanganib sa kalusugan ng tao ang hindi normal na paggana ng thyroid gland, lalo na iyong mabilis na paglabas ng mga hormone, ayon sa isang doktor.

Sa programang "Good Vibes" ng DZMM, ipinaliwanag ng endocrinologist na si Mia Fojas ang iba't ibang kondisyong maaaring tumama sa thyroid gland.

Ang thyroid gland ay isang glandula na naglalabas ng mga hormone na nagkokontrol sa metabolismo ng katawan, ayon kay Fojas.

"Involved din siya sa pag-process ng pagkain natin at enerhiya," ani Fojas.
"Involved din siya sa pag-process ng pagkain natin at enerhiya," ani Fojas.
ADVERTISEMENT
Isa sa mga sakit na maaaring makaapekto sa nasabing gland ay hyperthyroidism, kung saan "sobrang bilis ng metabolismo dahil sobrang dami ang nilalabas na hormones."

Mapanganib at nakamamatay umano ang hyperthyroidism dahil naaapektuhan nito ang ibang mga organ sa katawan gaya ng puso at atay.

Ilan sa mga sintomas ng hyperthyroidism ay ang mabilis na pagpayat, palpitation o mabilis na pagkabog ng dibdib, pagkalagas ng buhok, at panginginig, ayon sa doktora.

Iginiit din ni Fojas na hindi kailangang makaranas ng goiter o paglaki ng thyroid gland para masabing may mali sa paggana nito. Puwede pa rin daw itong mangyari kahit normal ang size ng gland.

Bukod sa hyperthyroidism, isa pa sa mga sakit sa thyroid gland ang hypothyroidism, kung saan mabagal naman ang metabolismo.

"Kulang iyong nilalabas na hormones galing sa thyroid gland natin," anang doktora.

Isa sa mga sintomas ng hypothyroidism ang mabilis na pagtaba, ani Fojas.

Goiter naman umano ang tawag sa kondisyon ng pagkakaroon ng malaking thyroid gland.

Nilinaw naman ni Fojas na hindi lahat ng goiter ay delikado.

"It's a condition lang pero depende sa laki at saka kung mayroong nodules o bukol [kung delikado]," aniya.

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
goiter
hyperthyroidism
hypothyroidism
thyroid gland
kalusugan
Good Vibes
DZMM
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT