Eric Tai, ibinahagi ang pagkalulong sa video games | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Eric Tai, ibinahagi ang pagkalulong sa video games

ABS-CBN News
Published Jan 23, 2018 12:05 AM PHT

Kilala sa pagiging bibong panauhin sa telebsiyon at atleta si Eric "Eruption" Tai.

Pero sa panayam ng ANC, ibinahagi ni Tai na minsan na rin siyang labis na nahumaling sa video gaming.

"Ever since I was young, I've had that addiction," kuwento ni Tai. "Until now, I still have this thing for games."

Ayon kay Tai, may mga pagkakataong hirap siyang kontrolin ang sarili sa paglalaro.
Ayon kay Tai, may mga pagkakataong hirap siyang kontrolin ang sarili sa paglalaro.
ADVERTISEMENT
"Ang inisip mo, one game lang, and then talo ka, and then isa pa, bawi lang tayo," anang dating miyembro ng rugby team na Philippine Volcanoes. "You start to lose track of your time and your priorities."

Umabot pa ito sa puntong binantaan na si Tai na iwanan ng kaniyang nobya.

Doon lang umano natauhan si Tai.
Doon lang umano natauhan si Tai.
"It didn't really hit me ... until a point where she said 'I'm gonna leave.'"

Itinuturing na ng World Health Organization (WHO) na isang mental health disorder ang pagkalulong sa digital at video gaming.

Isinama ng WHO ang kondisyong ito sa listahan ng 11th International Classification of Diseases (ICD) na ilalabas ngayong 2018.

Saad ng WHO: "Gaming disorder is defined in the draft 11th Revision of the International Classification of Diseases (ICD-11) as a pattern of gaming behavior ("digital-gaming" or "video-gaming") characterized by impaired control over gaming, increasing priority given to gaming over other activities to the extent that gaming takes precedence over other interests and daily activities."

Ayon naman sa isang psychologist, sinasadya ng mga gumagawa ng video games na gawing nakahuhumaling ang kanilang mga likha.

"People who create games might even hire psychologists to find out how [their games] can be more addicting than other games," sabi ni Dr. Randy Dellosa sa panayam ng ANC.

Kabilang sa mga sintomas ng pagiging "game addict" ang kawalan ng kontrol sa haba ng oras ng paglalaro, pagbibigay ng pagpapahalaga sa paglalaro, at patuloy na paglalaro sa kabila ng mga negatibong epekto nito.

Payo ni Dellosa, mahalaga ang paggawa at mahigpit na pagsunod sa isang iskedyul.

"To instill to kids that it's important to work first before playing and the reward might come during the weekend and not unlimited," ani Dellosa.

Dagdag pa ng mga eksperto, maiging gabayan ng mga magulang ang kanilang mga anak sa paglalaro ng video games.

Idulog na rin sa doktor sakaling mapansin may gaming addiction na ang isang indibidwal.

-- Ulat ni TJ Manotoc, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
kalusugan
gaming addiction
addiction
Eric Tai
Eruption
Randy Dellosa
WHO
World Health Organization
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT