'Pagkalulong sa video games, isa nang sakit sa pag-iisip' | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Pagkalulong sa video games, isa nang sakit sa pag-iisip'

'Pagkalulong sa video games, isa nang sakit sa pag-iisip'

ABS-CBN News

 | 

Updated May 09, 2019 05:55 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Itinuturing na ng World Health Organization (WHO) na isang mental health disorder ang pagkalulong sa digital at video gaming.

Ayon sa WHO, isinama na nila ang kondisyong ito sa listahan ng 11th International Classification of Diseases (ICD) na ilalabas ngayong 2018.

Sa kanilang depinisyon ng "gaming disorder," ito anila ang mga indibidwal na walang ginawa kundi maglaro at wala nang interes sa ibang bagay o aktibidad.

Saad ng WHO: "Gaming disorder is defined in the draft 11th Revision of the International Classification of Diseases (ICD-11) as a pattern of gaming behavior ("digital-gaming" or "video-gaming") characterized by impaired control over gaming, increasing priority given to gaming over other activities to the extent that gaming takes precedence over other interests and daily activities."

ADVERTISEMENT

Paliwanag naman ng Department of Health (DOH), masama ang epekto sa kalusugan ng labis na paglalaro dahil kundi puyat ay di na kumakain ang mga lulong sa gaming.

Ayon pa kay Assistant Secretary Lyndon Lee Suy ng DOH, wala na ring oras sa pamilya ang ilan sa mga labis na naglalaro.

Pero nilinaw ng DOH na hindi naman ibig sabihin na kapag laging naglalaro ang isang indibidwal ay may gaming disorder na siya.

Ilan anila sa mga sintomas nito ay kawalan ng kontrol sa haba ng oras ng paglalaro, pagbibigay prayoridad sa paglalaro, at patuloy na paglalaro sa kabila ng mga negatibong epekto nito.

Payo ng DOH sa mga magulang, gabayan ang mga anak sa paglalaro at limitahan ang oras na uubusin para rito.

-- Ulat ni Jeck Batallones, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.