ALAMIN: Mga sintomas ng trangkaso | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lifestyle

ALAMIN: Mga sintomas ng trangkaso

ALAMIN: Mga sintomas ng trangkaso

ABS-CBN News

Clipboard

Inaasahan ng Department of Health (DOH) ang mas maraming kaso ng flu o trangkaso simula ngayong Enero hanggang Marso o iyong tinatawag na "flu season."

Ayon kay Health Assistant Secretary Lyndon Lee Suy, sa mga naturang buwan daw kasi ay malamig ang panahon, dahilan para lumakas ang virus na nagdudulot ng naturang sakit.

"Kasi nga mas nagkakaroon ng lakas o buhay na hindi nasisira kaagad 'yong virus na nagko-cause ng influenza," sabi ni Lee Suy sa programang "Salamat Dok."

Pinabulaanan ni Lee Suy ang paniniwalang kapag malamig ang panahon ay mahina ang immune system o resistensiya ng isang tao.

ADVERTISEMENT

"Ang immune system regardless sa ano 'yan eh... Kung di ka nag-aalaga ng katawan mo, pagkain nang tama, buong taon naaapektuhan," aniya.

Ang trangkaso ay impeksiyon na sanhi ng mikrobyo, na karaniwang may kasamang lagnat, pangingiki, sakit ng ulo, panghihina ng katawan at pananakit ng kalamnan.

Ilan umano sa mga sintomas ng trangkaso ang mga sumusunod:
- Lagnat na mas mataas pa sa 38°C
- Pananakit ng mga kalamnan at kasukasuan
- Ubo at sipon
- Pagbabara ng ilong
- Sore throat
- Giniginaw na may kasamang panginginig
- Pagpapawis
- Pananakit ng ulo
- Panghihina ng katawan

Naipapasa umano ang trangkaso sa pamamagitan ng droplets ng laway na humahalo sa hangin kapag bumahing o umubo ang taong tinatrangkaso.

Puwede rin daw itong makuha sa mga bagay na nahawakan ng isang taong tinatrangkaso, ani Lee Suy.

Depende sa pangangatawan ng isang tao kung gaano tumatagal ang trangkaso pero kadalasan naman daw ay bumubuti na ang pakiramdam sa loob ng apat na araw hanggang isang linggo.

"Easily, in a week time or four to seven days, umiigi na 'yong katawan naman, so nagre-respond ka na," ani Lee Suy.

"Ang nagiging problema lang dito is 'yong nag-progress sa mas malalang kondisyon," aniya.

Isa raw sa mga malalang kondisyong maaaring magbunga mula sa trangkaso ay ang pulmonya, ang pamamaga ng isa o dalawang baga dahil sa impeksiyong dulot ng bakterya.

Ipinapayo ni Lee Suy ang pagpapasuri sa doktor kapag nakaramdam ng mga sintomas ng trangkaso.

"Kung may nararamdaman pa rin regardless of how fit you are or how vulnerable you are naman, on the other end, is magpatingin talaga din," aniya.

Ipinapayo ni Lee Suy ang pagpapahinga, pag-inom ng mga bitamina, pananatiling malinis (hygienic), at pagsusuot ng face mask para makaiwas sa trangkaso.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.