'Mask, alcohol, sapat na pahinga, kailangan upang makaiwas sa trangkaso' | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Mask, alcohol, sapat na pahinga, kailangan upang makaiwas sa trangkaso'

ABS-CBN News
Published Jan 18, 2019 08:58 AM PHT

MANILA - Dapat maging kultura na ng mga Pilipino ang pag gamit ng mga mask tuwing pupunta sa matataong lugar lalo tuwing panahon ng pneumonia, sabi ng isang eksperto Biyernes.

Ayon kay Philhealth independent director Anthony Leachon, kailangan matuto ng publiko na laging magtakip ng bibig at gumamit ng alcohol tuwing pupunta sa mga matataong lugar.

"Hindi mo alam kung 'yung mga (virus) droplets bumagsak sa mga bagay puwede mong hawakan," sabi ni Leachon sa isang panayam sa DZMM.

"Kailangan niyo 'yan sa mga lugar na matao, kung nasa Divisoria, simbahan, o matao na lugar, kailangan meron kayo kung mahina ang inyong kundisyon," aniya.

ADVERTISEMENT
Giit ni Leachon, hindi dapat binabalewala ang trangkaso dahil ang virus nito ay maaaring magpalala ng ilang karamdaman.

"Oras na yung virus mag-spread, it can go to any part of the body. Puwedeng sa heart, sa brain o kaya ay magkaron ka ng viral infection," aniya.

Kinakailangan din ng sapat na pahinga at malusog na pangangatawan para makaiwas sa pagkakaroon ng trangkaso, sabi ni Leachon.

"Prevention is better than a pound of cure. Mas mahirap na ma-admit tayo, mas magastos, at mahirap tayo gamutin," sabi niya.