Bakuna at dengue: Paano malalaman kung ano ang ikinamatay ng isang pasyente? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bakuna at dengue: Paano malalaman kung ano ang ikinamatay ng isang pasyente?

Bakuna at dengue: Paano malalaman kung ano ang ikinamatay ng isang pasyente?

Aleta Nieva Nishimori,

ABS-CBN News

Clipboard

Inaayos ng isang nars ang mga kahon ng dengue vaccine Dengvaxia, na inalis na mula sa mga health center sa Maynila. Ted Aljibe, AFP

Hindi madaling matukoy kung ang bakuna sa dengue ang posibleng sanhi kung bakit namatay ang isang tao, ayon sa isang forensic pathologist.

Sa panayam sa DZMM Miyerkoles ng umaga, sinabi ni Dr. Raquel Fortun ng UP College of Medicine na dahil public health issue ito, dadaan sa parehong proseso ng awtopsiya ang sinumang hinihinalang namatay dahil dito.

"May namatay, eksaminin mo yung body...that would be an autopsy. This is just like any other forensic investigation," sabi ni Fortun.

"Hindi madali. Mas kailangan yung history, iyung record, at pag dengue diagnosis, hindi ganun ka-specific ang nakikita sa autopsy. Talagang magpa-factor in yung findings ng tumingin na doctor at saka yung laboratory tests,"dagdag niya.

ADVERTISEMENT

Hindi sapat aniya na suriin lamang ang katawan. Mahalaga rin na ibase ito sa kung anong resulta ang pwedeng makuha bilang karagdagang impormasyon hinggil sa kaso.

"It's going to be your usual autopsy. Tingnan mo kung ano yung finding, kung ano yung wala. Parang iru-rule out mo kung anong pwedeng i-rule out---correlating yung autopsy findings doon sa medical records, ano yung clinical nung buhay pa siya then that's the time na pwede ka sigurong mag-commit na ito ba ay dahil sa dengue, meron bang other complication," paliwanag ni Fortun.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Sinuspende ng Department of Health ang kauna-unahan sa mundo na dengue vaccination program sa Pilipinas dahil sa isyu hinggil sa kaligtasan nito matapos na mabanggit ng French drugmaker Sanofi Pasteur na ang Dengvaxia ay maaaring magdulot ng mas malalang uri ng dengue sa mga taong nabakunahan na, pero hindi pa nagkaroon ng dengue noon.

Higit sa 700,000 katao na ang nabakunahan ng Dengvaxia.

Nilinaw naman ng Sanofi na ang ibig sabihin ng "severe dengue" ay patukoy lamang sa mga sintomas nito tulad ng dalawang araw na lagnat, mababang platelet count at pagkakaroon ng mga pasa.

Itinanggi naman ng World Health Organization (WHO) na inirekomenda nito noong 2016 na isama ang Dengvaxia sa national immunization program ng Pilipinas.

Dagdag ni Fortun, mas mainam na bigyang pansin na ang dengue ay isang sakit na pwedeng maiwasan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng malinis na kapaligiran.

"Itong disease na ito is really preventable. Why don't we focus on that and i-monitor na lang kung mayroon ngang mga kaso. Tingnan nga natin if it was really made worse by the vaccine," sabi niya.

Payo din ni Fortun sa publiko na manatiling kalmado at hintayin muna ang resulta ng ma paga-aaral.

“Mas maniwala kayo sa talagang nakakaalam, mga espesiyalista sa sakit na ito kaysa yung mga taong naghahaka-haka lang. Delikado yata yun,” sabi niya.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.