'Plot twist of 2021': Benedix Ramos, ‘di pa rin makapaniwala na nakapasok sa ‘PBB’ | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Plot twist of 2021': Benedix Ramos, ‘di pa rin makapaniwala na nakapasok sa ‘PBB’

'Plot twist of 2021': Benedix Ramos, ‘di pa rin makapaniwala na nakapasok sa ‘PBB’

ABS-CBN News

Clipboard

Benedix Ramos IG
Mula sa Instagram ni Benedix Ramos.

Hindi man pinalad na umabot hanggang sa dulo ng kompetisyon, nag-uumapaw pa rin ang kasiyahan ng Kumu streamer na si Benedix Ramos na makasali sa “Pinoy Big Brother.”

Tuluyan nang namaalam sa reality series si Ramos noong Sabado matapos ma-evict kasama si Shanaia Gomez. Ngunit naniniwala ito na isang magandang panaginip ang maging housemate ni Big Brother.

Sa kaniyang Instagram account, sinabi ni Ramos na noon pa man alam niyang may mas malaking pagkakataon na darating sa buhay niya.

“I still remember the times when I had to tell myself to continue dreaming big because I've always believed that bigger things take time,” ani Ramos.

ADVERTISEMENT

“Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala, parang gumising lang ako sa isang magandang panaginip.”

Nagpasalamat ito sa lahat ng sumuporta sa kaniyang kampanya sa loob ng bahay ni Kuya, lalo na aniya sa mga nanatili kahit nakita nila ang mga pagkukulang niya.

“Maraming salamat po sa lahat ng naniwala at sumuporta! Lalo na sa lahat ng hindi nawala despite my imperfections and shortcomings. You inspire me to become better each day! To me, you all are my big win,” saad nito.

Pinasalamat din niya ang streaming platform na Kumu at ang “PBB” dahil sa karanasan niyang mapabilang sa mga nakapasok sa kompetisyon.

Bagamat wala nang pag-asang maging Big Winner, alam ni Ramos na ang tunay na laban ay magsisimula sa labas ng bahay.

ADVERTISEMENT

“Nagtapos man ang aking 'PBB' journey, nagsisimula pa lang ang totoong laban at hamon ng buhay dito sa labas ng bahay,” pahayag ni Ramos.

Sinundan nina Ramos at Gomez sina Karen Bordador, TJ Valderrama, Kyle Echarri, Chie Filomeno, Albie Casiño, at John Adajar sa mga lumabas na ng “PBB.”

Mapapanood ang “PBB” buong linggo sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, at iWantTFC. Tuloy-tuloy naman ang livestream ng mga kagapanapan sa loob ng Bahay ni Kuya sa Kumu.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.