Sean de Guzman, 'manghang-mangha' kina Dimples Romana at Jake Cuenca | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Sean de Guzman, 'manghang-mangha' kina Dimples Romana at Jake Cuenca

Sean de Guzman, 'manghang-mangha' kina Dimples Romana at Jake Cuenca

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA -- "Manghang-mangha po ako sa kanila."

Ganito inilarawan ng aktor na si Sean de Guzman sina Dimples Romana at Jake Cuenca na kasama niya sa pelikulang "My Father, Myself" na isa sa opisyal na kalahok sa 2022 Metro Manila Film Festival.

Sa programang "Sakto" ng TeleRadyo nitong Biyernes, pinuri rin ni De Guzman ang kabutihan nina Romana at Cuenca.

Watch more News on iWantTFC

"Fist time ko po silang maka-work. Sobrang manghang-mangha po ako sa kanila. Sobrang babait din po at kaibigan din po sila kumbaga kapag nasa shoot," aniya.

ADVERTISEMENT

"Kapag ka-eksena mo sila, doon mo maa-absorb 'yung technique, doon matututo kapag ka-eksena mo sila."

Maliban kay De Guzman, nakausap din ng Sakto ang sumulat ng "My Father, Myself" na si Quinn Carrillo.

"It's a complicated different kind of story. 'Yung character dito ni Sean, siya si Matthew. Kinupkop siya ng character ni Jake Cuenca which is Robert at 'yung family niya na sina Dimples at Tiffany Grey na anak nila. From then on nagkaroon na po ng entanglement si Sean doon sa family. Kung gaano ka-complicated, 'yon ang dapat nating abangan," ani Carrillo.

"Ito po hindi ko po mapapangako na tatawa kayo sa pelikulang ito, iiyak naman. Parang automatic na po 'yan kapag Pasko either something light or something emotional. Pero dito kasi ay kakaiba po talaga siya at ang totoo niyan itong story ng 'My Father Myself' ay based on true story po siya. Siyempre binago po namin ang ibang details for cinematic purposes pero ang nakakatuwa rito at kakaiba ay totoong nangyari po ito sa totoong buhay," dagdag ni Carillo.

Mapapanood ang MMFF entry na "My Father, Myself" sa direksyon ni Joel Lamangan sa Disyembre 25 sa mga sinehan.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.