BALIKAN: Istorya ng tagumpay ni Jovit Baldivino | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

BALIKAN: Istorya ng tagumpay ni Jovit Baldivino

BALIKAN: Istorya ng tagumpay ni Jovit Baldivino

Mario Dumaual,

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

Parang kailan lang nang pumaimbulog ang Batanguenong tindero ng siomai na si Jovit Baldivino bilang unang kampeon ng ABS-CBN talent competition na “Pilipinas Got Talent.”

Nagsilbing inspirasyon sa maraming kababayan ang kaniyang rags-to-riches na istorya. Minahal at tinangkilik siya ng maraming taon sa madamdamin niyang interpretasyon ng mga awit tungkol sa ligaya at sakit ng pag-ibig.

Kaya buhos ang gulat at kalungkutan sa loob at labas ng showbiz sa pagpananaw ni Jovit bandang alas quatro ng madaling araw sa isang ospital sa Batangas City.

Noong October 16 lang siya nag 29 anyos.

ADVERTISEMENT

Ayon sa kanyang amang si Larry Baldivino, ilang araw na na comatose ang singer kaugnay ng blood clot o pamumuo ng dugo sa kanyang ulo kasunod ng pagkanta niya sa isang Christmas party sa Batangas nitong huling weekend.

Sumailalim din aniya si Jovit sa operasyon para mapawi ang komplikasyon ng aneurysm.

Ibinunyag din ni Baldivino na una nang na mild stroke si Jovit noong November 22 na nalagpasan niya sa pahinga sa bahay. Ito’y hanggang mag guest siya sa okasyon kung saan nadale siya ng sakit.

Napakasakit aniya ang paglisan ni Jovit pero ayon kay Baldivino, kumakapit sila sa kapangyarihan ng Panginoon at itinataas na lang nila ang kanilang kalungkutan sa Kanya. Alam din daw niya na natupad ang misyon ng anak na magpasaya ng maraming tao.

ADVERTISEMENT

A look into La Voix Humaine & Boses opera intima

A look into La Voix Humaine & Boses opera intima

Push Team

Clipboard

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.