Housemates ikinatuwa ang balita tungkol sa pag-alis ng face shield sa Metro Manila | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Housemates ikinatuwa ang balita tungkol sa pag-alis ng face shield sa Metro Manila

Karl Cedrick Basco,
ABS-CBN News
Published Dec 07, 2021 08:32 PM PHT
|
Updated Dec 07, 2021 09:44 PM PHT

Labis na ikinatuwa ng mga celebrity housemate ang balita na hindi na obligado ang pagsusuot ng face shield sa Metro Manila at maraming lugar sa bansa.

Sa isang special task, binigyan ni Big Brother ng pagkakataon ang mga natitirang housemates sa “Pinoy Big Brother Kumunity Season 10” na makasagap ng mga balita mula sa outside world.

Nagsilbing tagapaghatid ng mga impormasyon si Eian Rances kung saan nag-ala reporter ito para sa mga kasamahan. Walong balita ang hinusgahan ng mga ito kung totoo o peke ang binanggit na impormasyon ni Rances.

Halos dalawang buwan nang nasa loob ng Bahay ni Kuya ang mga ito at wala na silang nakukuhang balita simula nang pumasok sa reality series.

Unang ibinalita ang tungkol sa pagsisimula ng face-to-face classes sa bansa na tingin ng mga ito ay hindi totoo dahil pumasok aniya sila sa PBB na 5% pa lamang ang nababakunahan sa bansa at malayo pa sa herd immunity.

Ngunit mali ang hula ng mga housemate dahil nagsimula na ang ilang mga paaralan na magsagawa ng limited face-to-face classes na resulta ng pagbaba ng COVID-19 cases sa Pilipinas.

Tama naman ang hula ng mga ito sa balitang kasama na si Sharon Cuneta sa seryeng “Ang Probinsyano” at peke ang impormasyong may turista na sa planetang Mars.

Ikinagulat naman ng lahat ng malamang si Janella Salvador ang napiling gumanap bilang Valentina sa papalapit na seryeng “Darna” na pagbibidahan ni Jane de Leon.

“Fake” ang sagot ng mga housemates dahil ayon kay Brenda Mage na dapat kasali sa palabas ay hindi niya nakikita bilang kontrabida si Salvador.

Hindi naman nabiktima ng fake news ang mga housemate nang hindi maniwala na ipinasa na ni Queen Elizabeth II ang monarkiya sa anak nitong si Prince Charles.

Mabilis namang nasagot ng mga ito ang balita kung sarado pa ang mga sinehan sa bansa. “Fake” ang naging sagot nila na tumpak sa nangyayari ngayon sa outside world.

Sa huling tanong, lahat ng housemates ay umasang totoo ang binanggit ni Rances na inalis na ang mandatory use sa face shield sa Metro Manila.

Kaya kahit hindi sigurado, “real” ang isinagot ng mga ito na nagpasigaw sa kanila sa tuwa nang malamang tama sila.

Ayon kay Madam Inutz, magandang balita ang pag-alis sa face shield dahil nangangahulugan ito na bumababa na ang mga kaso ng coronavirus sa bansa.

Lima ang naging tamang sagot ng mga housemates kaya nabigyan ng special reward si Rances na marinig ang boses ng ina at makita ang kalagayan ng ama ng nagkaroon ng problema sa kalusugan.

“Alam mo ba paggising ng papa mo bigla na lang siya 'di makabangon at makalakad sa sobrang sakit ng kaniyang kaliwang pigi. Namamanhid din daw ang pakiramdam niya,” panimula ng nanay ng Kumu streamer.

“Sa kaniyang MRI result ay merong siyang slip disc. Siya ay pinapa-therapy ko pa hanggang ngayon. At sa dami kong prayers, e nakakalakad na siya ng dahan-dahan na may tungkod. Don't worry, he's doing okay na. Take care ka dyan,” paninigurado naman nito.

Naluha naman si Rances nang malaman ang balita sa pamilya ngunit nagpapasalamat ito na umaayos na ang kalagayan ng ama.

“Masarap po na makita at marinig 'yung boses ni Mama na okay sila. Malaking bagay po para magpatuloy pa rin ako dito sa loob,” saad nito.

Napapanood ang “PBB” araw-araw sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z Channel 11, iWantTFC, at TFC, at mayroon din itong 24/7 livestreaming sa Kumu.

Related video:
Related video:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT