'Eat Bulaga' sa desisyon ng IPOPHL: 'Mahaba pa ang laban' | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Eat Bulaga' sa desisyon ng IPOPHL: 'Mahaba pa ang laban'

ABS-CBN News
Published Dec 06, 2023 02:44 PM PHT
|
Updated Dec 06, 2023 02:48 PM PHT

MAYNILA -- "Mahaba pa po ang laban."
MAYNILA -- "Mahaba pa po ang laban."
Ito ang iginiit ng host na si Paolo Contis sa mga manonood ng programang "Eat Bulaga!" matapos maglabas ng desisyon ang Intellectual Property Office (IPOPHL) na nagkakansela sa registration ng Television and Production Exponents, Inc., o TAPE, Inc. para sa trademarks na “Eat Bulaga” at “EB.”

Sa live broadcast ng "Eat Bulaga" nitong Miyerkoles, ibinahagi ni Contis ang reaksiyon ng pangtanghaliang programa sa naging desisyon ng IPOPHL.

"Mga Kapuso, mahaba pa po ang laban. Ibig sabihin, legally, wala pang final. Okay?" ani Contis.

ADVERTISEMENT
“Pero ito lang po ang pangako namin -- anuman ang mangyari, ang nasimulan po namin na tulong at saya ay itutuloy lang po namin araw-araw. Dahil 'yun naman po ang dahilan kung bakit kami pumapasok araw-araw. Kayo po ang dahilan kaya nandito kami," dagdag ni Contis.

Hirit naman ni Winwyn Marquez: "Kaya tuloy ang Pasko na pinakamasaya."

“Dito lang 'yan sa tahanang pinakamasaya!" dagdag naman ni Betong Sumaya at iba pang hosts.

"Teka, teka, hindi 'yan ang title natin,” hirit ni Paolo sa mga sinabi ng kanyang co-hosts bago sila sabay-sabay sumigaw ng “Ito po ang Eat Bulaga!!”

Pumabor ang desisyon ng IPOPHL sa ipinaglalaban ng mga batikang hosts na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon o TVJ na sila ang tunay na may-ari ng "Eat Bulaga."

Mayo 31 nang ianunsiyo nina Tito, Vic at Joey ang kanilang pag-alis sa "Eat Bulaga" matapos ang hindi pagkakasundo nila ng mga may-ari ng TAPE Inc.

Lumipat ang TVJ at iba pa nilang kasamahang Dabarkads sa TV5, kung saan ginamit nila ang titulong "E.A.T" para sa kanilang bagong programa.