PBB: Housemates excited na muling nagsama-sama sa loob ng Bahay ni Kuya | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

PBB: Housemates excited na muling nagsama-sama sa loob ng Bahay ni Kuya

PBB: Housemates excited na muling nagsama-sama sa loob ng Bahay ni Kuya

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Matapos ang isang linggong puno ng tensyon at mga emosyon, muling nagkasama-sama ang 2 grupo ng celebrity housemates sa “Pinoy Big Brother Kumunity Season 10” nitong Sabado.

Hindi kaagad nagkita-kita ang mga housemates sa kabila ng pagkakapanalo ng Blue Team sa weekly task na nagbigay sa kanila ng immunity sa susunod na nominasyon.

Binigyan ni Big Brother ng isa pang task ang 2 grupo bago tuluyang pagsamahin sa iisang bahay.

Gamit ang mga wooden block na ginamit nila sa pagpapatayo ng tore, kinailangang ilatag ng 2 grupo ang mga ito na tila isang daan papunta sa gitna ng activity area.

ADVERTISEMENT

May isang oras na inilaan si Kuya para sa mga ito upang magtagpo sa gitna at tumuntong sa 3 layer ng mga wooden blocks na magkakasama at walang nahuhulog sa sahig sa loob ng 30 segundo.

Habang patapos ang mga ito sa challenge, unti-unti nang bumuhos ang luha ng ilang mga housemates dahil sa pagkaka-miss sa isa’t isa.

Nang tuluyang mapagtagumpay ang huling task, inamin ni Big Brother na sinubok talaga nito ang katatagan ng puso, isip, at ng samahan ng mga kalahok.

“Nasaksihan ko ang bawat tawa. Nakita ko ang bawat patak ng luha. Higit sa lahat, naramdaman ko ang tunay na pagmamahalan at pag-aalala sa kapakanan ng bawat isa. Walang sigurado sa buhay,” ani Kuya.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Paalala rin niya na darating ang panahon sa buhay na malalagay ang mga ito sa sitwasyong hindi sila komportable at hindi kasama ang mga taong madalas na sandigan.

“Ngunit, kung kayo ay sigurado kung sino kayo, naniniwala ako na walang anumang pagsubok ang hindi ninyo kayang lagpasan ng mag-isa at ng magkakasama,” dagdag ni Big Brother.

Agad namang nag-bonding ang mga housemates pagkabalik sa bahay kung saan ipinarinig nina Benedix Ramos at Shanaia Gomez ang kanilang isinulat na kanta noong magkahiwalay pa ang 2 grupo.

Sa Linggo, December 5, magaganap ang double eviction sa “PBB” kung saan dalawa sa mga nominadong sina TJ Valderrama, Karen Bordador, Samantha Bernardo, at Alexa Ilacad ang tuluyang lalabas sa Bahay ni Kuya.

RELATED VIDEO

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.