PatrolPH

KILALANIN: 'Fangirl' at 'Charmer' housemates ng 'PBB Connect'

ABS-CBN News

Posted at Dec 01 2020 03:15 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by ABS-CBN PR (@abscbnpr)

MANILA -- Isang fangirl at isang charmer ang dalawa sa bagong housemates na papasok sa Bahay ni Kuya sa "Pinoy Big Brother: Connect."

Sa "It's Showtime" nitong Martes, ipinakilala na si Jie-Ann Armero, tinaguriang "Ang Kwelang Fangirl ng Saranggani."

Ayon ay Jie-Ann, 16, isa siyang solid Kapamilya fan. Aniya, pinakapaborito niyang tambalan sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Samantala, binansagan namang "Ang Charmer Striker ng Parañaque" si Kobie Brown.

Mula sa Manchester, UK si Kobie, 17 pero naninirahan ngayon sa Parañaque. Aminado si Kobie na miss na niya ang kanyang pamilya at hiling niya ang panalangin nito para sa kanya.

Narito ang pagpapakilala kina Jie-Ann at Kobie bilang mga bagong housemate ng "Pinoy Big Brother: Connect." Panoorin ang video sa markang 20:41 hanggang 25:37

Watch more on iWantTFC

Sa Disyembre 5, ipapalabas naman sa Kumu ang unang hamon sa mga housemate bago pa man sila pumasok sa Bahay ni Kuya,

Labing-apat na housemates ang nakatakdang magsama-sama sa loob ng Big Brother house simula ngayong Linggo, Disyembre 6.

Nitong Lunes, una nang ipinakilala ang 18-anyos na si Andrea Abaya. 

Isang cheerleader mula pa noong high school hanggang pumasok sa kolehiyo, mataas ang kumpiyansa sa sarili ni Andrea na nakuha niya bilang bahahi ng pep squad. 

Bago pa ang "PBB," nakagawa na rin ng ilang TV commercials si Andrea na sanay din sa social media.

Palaban at vocal naman ang housemate na si Justin Joseph Dizon, 22, mula San Fernando, Pampanga. Tapos si Dizon ng AB Communications at hilig makipagdebate.
 
Related video: 

Watch more on iWantTFC

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.