VIRAL: Dahilan ni Samantha Bernardo sa pag-nominate kay Kyle Echarri sa 'PBB' | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

VIRAL: Dahilan ni Samantha Bernardo sa pag-nominate kay Kyle Echarri sa 'PBB'

VIRAL: Dahilan ni Samantha Bernardo sa pag-nominate kay Kyle Echarri sa 'PBB'

ABS-CBN News

Clipboard

Isa si Samantha Bernardo sa mga housemate na nag-nominate kay Kyle Echarri na ma-evict mula sa ‘PBB’ nitong Linggo. ABS-CBN
Isa si Samantha Bernardo sa mga housemate na nag-nominate kay Kyle Echarri na ma-evict mula sa ‘PBB’ nitong Linggo. ABS-CBN

Viral ngayon sa social media ang simpleng dahilan ni Samantha Bernardo sa pag-nominate niya sa housemate na si Kyle Echarri para ma-evict mula sa “Pinoy Big Brother” (PBB) house.

Naganap nitong Linggo ang ika-apat na nomination night ng reality show, kung saan pinangalanan sina Echarri, Alexa Ilacad, at Anji Salvacion bilang mga nominado o nanganganib na matanggal sa programa.

Isa si Bernardo sa mga nagbigay ng puntos kay Echarri. Sa confession room, ipinaliwanag ng beauty queen kay Kuya ang kaniyang pasya.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Watch more in iWantv or TFC.tv

“One point si Kyle. Tinuruan ko na po siya na magsaing, [pero] hindi pa rin po siya tumutulong sa gawaing bahay,” ani Bernardo.

ADVERTISEMENT

Ilang oras matapos umere ang programa, viral agad sa Facebook ang naging pahayag ni Bernardo.

Nitong Lunes ng gabi, umabot na sa halos 100,000 reactions ang post ng CinemaBravo na larawan ng nomination process ni Bernardo.

Viral din ang kuhang larawan mula sa 24/7 Kumu livestream ng “PBB,” kung saan humirit si Daisy Lopez o Madam Inutz sa tila hindi pagtulong ni Echarri sa mga gawaing bahay.

“Oo nga pala, siya na lang hindi nagsasaing dito,” ani Madam Inutz nang makitang tinuturuan ni Bernardo si Echarri na magsaing.

“Hindi ka pala marunong magsaing?” tanong ni Chie Filomeno kay Echarri.

Pasaring ni Madam Inutz: “Hindi. Marunong lang siya kumain.”

Sa loob lang ng dalawang oras, tumuntong na sa 60,000 reactions ang naturang post, mula rin sa CinemaBravo.

Sari-sari ang reaksiyon sa parehas na post, na umani na rin ng libo-libong shares at comments.

May ilang dinipensahan si Echarri, na anila’y sadyang hindi lang nakagawiang tumulong dahil umano sa marangyang pagpapalaki.

Marami namang sumang-ayon sa ipinunto ni Bernardo, patungkol sa hindi pa rin pagkilos ni Echarri sa kabila ng pagtuturo nito kung paano magsaing.

Mapapanood ang “PBB” buong linggo sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, at iWantTFC. Tuloy-tuloy naman ang livestream ng mga kagapanapan sa loob ng Bahay ni Kuya sa Kumu.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.