MAYNILA - Nagsimula na nitong Sabado ng pag-abot sa pangarap ng mga "dream chaser" sa pinakabagong reality talent search ng ABS-CBN, ang "Dream Maker".
Isa itong collaboration project ng Starhunt ng ABS-CBN, Korean talent agency na MLD Entertainment, at Kamp Korea Inc.
Top trending topic ang programa sa pagbubukas nito Sabado ng gabi kung saan nagpasiklaban ang 14 sa 62 dream chasers na maglalaban-laban kada linggo.
Unang sumalang ang 22-year-old na si Vinci Malizon mula Batangas na nakakuha ng score na 668 mula sa mga mentors.
"Naramdaman namin na you were just enjoying your performance," sabi sa kaniya ni Darren Espanto.
Napabilib naman ni Asi Gatdula ang Korean mentor na si Thunder sa kaniyang rap performance na “Magda”.
Pero ang pinakabatang dream chaser na si Marcus Cabais ang nakakuha ng top score.
"Marcus, three words para sayo. Small but terrible," ani Angeline Quinto.
Kabilang din sa mga mentors mula South Korea ang K-pop composer na si Seo Won-jin, music producer Bullseye, MOMOLAND at Lapillus choreographer Bae Wan-hee, Brown Eyed Girls vocalist JeA, at choreographer at “Produce 101” dance mentor Bae Yoon-Jung.
Kasama rin sa hanay ng mga Pinoy mentors si Bailey May na miyembro na ngayon ng Now United.
Hosts ng programa si Kim Chiu at Ryan Bang.
Base sa puntos at ranking ng contestants, unti-unti silang mababawasan hanggang sa matira ang huling pitong dream chasers na bubuo sa pinakabagong global pop group na magde-debut sa South Korea.
Mapapanood ang ‘Dream Maker’ tuwing Sabado at Linggo sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at A2Z.
RELATED VIDEO
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.