'Hindi kami nagse-censor': MTRCB chief, nagsalita tungkol sa 'Ang Probinsyano' | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Hindi kami nagse-censor': MTRCB chief, nagsalita tungkol sa 'Ang Probinsyano'

ABS-CBN News
Published Nov 19, 2018 12:09 PM PHT
|
Updated Nov 19, 2018 09:58 PM PHT

MANILA -- Nagsalita nitong Lunes si Rachel Arenas, ang pinuno ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), tungkol sa isyu sa pagitan ng Philippine National Police (PNP) at ng sikat na seryeng "Ang Probinsyano."

Sa panayam sa DZMM, iginiit ni Arenas na wala sa poder ng kanyang ahensya ang pagpapatigil sa ere ng palabas dahil lamang sa di umano'y hindi magandang pagsasalarawan ng mga pulis.

"Wala po sa poder namin 'yan," paliwanag niya. "Sunod-sunod naman po 'yung ano namin, since 2016 pa ang dialogue namin with them."

"Nasabi rin naman po namin, kasi kaming MTRCB, hindi kami nagse-censor," dagdag niya. "We cannot also prohibit negative depictions kasi we are sort of a bridge doon sa constitutionally protected freedom of expression, and also the right of the state to regulate."

Nang matanong kung may nakikita ba silang mali sa depiksyon ng mga pulis sa "Ang Probinsyano," sagot ni Arenas: "Kailangang may redeeming factor o magandang value na napupulot ang mga manonood. Doon sa mga nakikita namin na past episodes, mayroon naman ding natututunan ang mga bata, na the good always prevails."

Giit pa ni Arenas, wala siyang nakikitang paglabag ng "Ang Probinsyano" sa guidelines ng MTRCB.

"Actually nagkaroon kami ng conference na nandoon ang 'Ang Probinsyano' at ang PNP. In fact, ang suggestion, ang napag-usapan, 'bakit hindi kayo kumuha ng adviser o consultant from PNP para alam pati ang uniform na isusuot, kung ano ba ang tama?' [Kunyari] 'Tama ba 'yung star na nasa uniform?' Kasi that's one of their concerns also," aniya.

"In fact, because of those dialogues, it resulted in a memorandum of understanding. That was already sent to the PNP for their comments and approval. Actually, kapag may nare-receive kami kunwari na mga reklamo o mga observation nila ay agad kaming nagse-set ng dialogue with either ABS-CBN or PNP. And the last was on October 17."

Sa pinakahuling development ay inatras na ng PNP ang tulong at suporta sa "Ang Probinsyano."

Komento rito ni Arenas, isang pagpupulong muli ang magaganap kasama ang grupo sa likod ng serye, pati na ang PNP at Department of the Interior and Local Government (DILG).

"This week, doon po sa meeting namin malalaman ano ba talaga ang kahihinatnan ng pag-uusap namin noong nakaraan. Kasi nga, noong nakita ko sa TV 'yung mga statement ng ating PNP... even before I received the letter, we already set a meeting for this week," aniya.

Nang matanong kung sa tingin niya ay "censorship" ang ginagawa ng PNP at DILG sa "Ang Probinsyano," sagot ni Arenas: "I'm not sure kasi kung 'yung dialogues namin ay nakakarating sa kanila. Kasi hindi mismong si chief or secretary ang kausap namin."

"The last time noong nag-uusap kami parang [tinanong namin], 'Ano ba ang gusto niyo or ano ba ang puwede nating gawin para di ma-offend ang PNP, at the same time hindi sabihin na parang sini-censor natin ang 'Ang Probinsyano'?' So 'yun ang napag-usapan, na they will have a memorandum of understanding."