Tony Labrusca, personal choice ni Angel Aquino para sa 'Glorious'

ABS-CBN News

Posted at Nov 12 2018 01:31 PM

 

MAYNILA -- Hindi inasahan ni Tony Labrusca na magiging mainit ang pagtanggap ng mga tao sa kanyang upcoming movie na "Glorious" na mapapanood sa bagong streaming service na iWant.

Sa trailer pa lang, sumabak na agad sa maiinit na eksena si Tony kasama si Angel Aquino.

Kuwento ng aktor, nag-audition siya para sa role at personal choice naman siya ni Angel.

"Masaya lang po ako dahil nagugustuhan ng mga tao 'yung trailer. Parang it really paid off na 'yung art namin, 'yung pinaghirapan namin, everything that we've put into the film, nagugustuhan po talaga ng mga tao," tugon ni Tony sa press sa naganap na media launch ng "Glorious."

Elevated bilang bagong pantasya at crush ng bayan si Tony dahil sa kanyang sexy role sa pelikula at hanggang ngayon ay 'di pa raw ito nagsi-sink in sa kanya.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Tony Labrusca (@tony.labrusca) on

"In terms of how I feel na pinagpapantasyahan tayo ng mga tao, wala ako masyado reaction. I mean nakakatuwa po 'yung nga memes na nakikita ko sa social media, pero mas nangingibabaw po 'yung masaya ako na nagustuhan nila 'yung project," aniya.

Napahanga din ng aktor ang press dahil sa kanyang pananaw na hindi hadlang ang edad sa taong nagmamahalan.

"It's so much more than just about the age; it's actually to show people you can fall in love with whoever you wanna fall in love with,"

Magsisimula na ang digital streaming ng "Glorious" sa Nobyembre 17.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.